MRT 3 pinabilis ng hanggang 50 kph
- Published on November 6, 2020
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na pinabilis na ang andar ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) hangganag 50 kilometer per hour na siyang kauna-unahang pangkakataon sa loob ng anim (6) na taon.
“The increase has reduced the time between trains to four to five minutes for 20 trains at 50 kph, from 6.5 to seven minutes for 20 trains at 40 kph,” wika ng MRT 3.
Ayon sa DOTr ibig sabihin na ang travel time mula sa MRT’3 North Avenue station papuntang Taft Avenue sa Pasay ay mababawasan ang isang (1) oras at 15 minuto at magiging isang (1) oras at 5 minuto na lamang.
Dahil sa mabilis na operating time, ang mga pasahero ng MRT 3 ay makakaasa ng mas mabilis na travel time, maikling paghihintay para dumating ang train, at mas maganda at komportableng paglalakbay.
Unti-unting pinabibilis ng MRT 3 ang operating speed nito mula sa 30 kph hangang 40 kph noong October at 50 kph ngayon buwan.
Noong pang September 2014 ang kahuli-hulihulihan na mataas ang operating speed na 50 kph ang MRT 3. Sa darating na December, may target ang MRT 3 na mapabilis pa ito ng 60 kph.
“The improvement in train speed is a result of the installation of new long-welded rails in all the MRT 3 stations as part of the rail line’s rehabilitation program, which is being implemented by Sumitomo- Mitsubishi Heavy Industries (MHI) from Japan,” ayon sa MRT 3.
Noong nakaraang taon, kinuha ng DOTr ang serbisyo ng Sumitomo- MHI na siyang original designer, builder, at maintenance provider ng MRT3 noong pang nakaraang 12 taon ng operasyon nito.
Ang rail replacement works ay natapos nang maaga noong mga nakaraang buwan pa at mas una pa kaysa sa scheduled completion nito sa darating na February 2021.
Maliban sa rail replacement works, ang Sumitomo-MHI ay mag overhaul din lahat na 72 light rail vehicles; papalitan ang lahat na mainline tracks; isasaayos ang power at overhead catenary systems; pagagandahin ang signaling, communications at closed-circuit television systems, at kukumpunihin ang lahat ng escalators at elevators. (LASACMAR)
-
TRICYCLE DRIVER TIMBOG SA PANUNUHOL SA PARAK
KALABOSO ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos at tangkain suhulan ng pera ang mga pulis na nag-isyu sa kanya ng ordinance volation receipt (OVR) dahil sa paglabag sa traffic restriction code sa Malabon City, kahapon ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Art 212 of RPC o ang Corruption of Public Official […]
-
Salamat sa P128-B pondo para sa PNP Revitalization & Capability Enhancement Program
Lubos na nagpasalamat si PNP (Philippine National Police) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagtiyak ng mga mambabatas na maipasa ang P128-B Revitalization and Capability Enhancement Program. Ito ang inihayag ni Eleazar sa kaniyang pagdalo sa pagdinig sa Committee on Public Order and Safety ng Kongreso kung saan inaprubahan ang Revitalization and Capability Enhancement […]
-
“Celebrities ATBP laban sa Climate Change”, naging matagumpay
SA gitna ng iba’t ibang galit na galit na panawagan ng mga pinuno ng sa buong na seryosohin ang isyu ng emergency sa klima sa katatapos na United Nations Conference of Parties (COP 27) sa Egypt, higit pa ang kailangang gawin kaysa sa pag-uusap lamang. Ito ang ibinunyag kagabi ng grupo ng mga environmentalist at […]