2k baboy mula sa South Cotabato nasa Vitas, Tondo na
- Published on February 19, 2021
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng Malakanyang ang pagdating 2,000 baboy mula sa South Cotabato kung saan ito ngayon ay nasa Vitas, Tondo.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay iparating sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila ang nasabing baboy dahil ito ay kabahagi ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para maibsan ang kakulangan ng suplay ng baboy sa MM.
Layon nito na mapababa ang presyo ng baboy at kahit papaano ay umabot sa price cap net ng gobyerno.
Matatandaang, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order 124 na itinakda ang presyo ng kasim/pigue ng baboy sa P270 kada kilo,samantalang ang liempo naman ay P300 kada kilo habang ang presyo naman ng dressed chicken ay hindi dapat lumampas sa P160 kada kilo sa lahat ng pamilihan sa Metro Manila.
Nakasaad sa EO na ipinalabas ang kautusan upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin kung saan inirekomenda ng Department of Agriculture ang pagpapatupad ng price ceiling sa ilang pork at chicken products.
Ayon pa sa kautusan, ang kasalukuyang presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa National Capital Region (NCR) katulad ng baboy at manok ay lubhang tumaas na naging pahirap sa mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap.
Nabawasan din ang karne ng baboy sa bansa dahil sa outbreak ng African Swine Fever na nakaapekto sa suplay at naging dahilan sa pagtaas ng presyo nito.
Binanggit din sa EO na may kapangyarihan ang Pangulo na magpatupad ng price ceiling na nakapaloob sa Section 7 ng Republic Act 7581 o Price Act base sa rekomendasyon ng implementing agency o Price Coordinating Council kung may emergency o calamity sa bansa.
Matatandaan na sa Proclamation No. 1022 pinalawig ang State of Calamity sa buong bansa dahil sa COVID-19 mula Setyembre 13,2020 hanggang Setyembre 12, 2021. (Daris Jose)
-
Ads January 5, 2022
-
“Harold and the Purple Crayon” Comes to Life in a New Fantasy Comedy Film
EXPERIENCE the magic of imagination as “Harold and the Purple Crayon” comes to life in a new fantasy comedy film starring Zachary Levi. Discover a world of adventure when it opens in Philippine cinemas on August 21. Countless families have cherished Crockett Johnson’s Harold and the Purple Crayon since […]
-
Canelo Alvarez humirit ng rematch kay Dmitry Bivol
HUMIRIT agad ng rematch si Mexican boxer Canelo Alvarez matapos na talunin siya ni Dmitry Bivol ng Russia. Nakuha kasi ni Bivol ang unanimous decision sa kanilang light heavyweight title figh ni Alvarez na ginanap sa Las Vegas. Sa simula ng laban ay determinado ang 31-anyos na Russian boxer na manalo […]