• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2nd day ni PBBM sa Indonesia, ‘very productive’- Sec. Cruz-Angeles

“VERY PRODUCTIVE” ang pangalawang araw ng state visit ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa Indonesia.

 

 

Sa press briefing sa Harris Suites sa Jakarta, sinabi ni Press Secretary Trixie-Cruz Angeles na maraming na-accomplished ang Pangulo sa isang buong araw.

 

 

“It was very productive, extremely so because the President did not expect that the talks between him and [Indonesian] President [Joko] Widodo would progress so rapidly in such a short time,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Bago pa kasi magtanghalian, nagdaos na ng bilateral meeting si Pangulong Marcos kasama ang Philippine delegation  sa kanyang  Indonesian counterpart at iba pang Indonesian officials sa  Bogor Presidential Palace sa West Java.

 

 

Sa nasabing pulong nilagdaan ng dalawang bansa ang apat na kasunduan gaya ng “defense cooperation, cultural cooperation, creative economy, at plan of action para sa  bilateral cooperation.”

 

 

Sa  kanyang official Facebook page, kumpiyansang  ipinahayag ni Pangulong Marcos na ang apat na kasunduan na nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia ay mapakikinabangan hindi lamang ng dalawang bansa kundi maging ng buong  Association of Southeast Asian Nations (Asean) region.

 

 

“We are confident that the agreements signed between our countries will help build a peaceful and more united Asean region,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Sa kabilang dako, nagbigay-galang naman si Pangulong Marcos sa Heroes Monument sa pamamagitan ng wreath-laying ceremony sa  Kalibata National Heroes Memorial Park sa Jakarta.

 

 

Kasama ng Pangulo si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa idinaos na ceremonial event.

 

 

Samantala, nagkaroon din si Pangulong Marcos ng roundtable discussion kasama ang mga  business leaders sa Indonesia sa Fairmont Hotel, Jakarta.

 

 

Ani Cruz-Angeles, masaya ang Pangulo sa ipinakitang interest ng mga business leaders sa  ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

“This is part of his vision for economic recovery and he also happily reported to them the general outcome of his agreements or his talks with President Widodo,” wika ni Cruz-Angeles.

 

 

Ang Pangulo (Marcos) ay kasalukuyang nasa Indonesia para sa  three-day state visit mula Setyembre 4 hanggang  6.

 

 

Matapos sa Indonesia ay lilipad naman ang Pangulo para naman sa kanyang state visit sa  Singapore sa Setyembre  6 at  7.  (Daris Jose)

Other News
  • Usad-pagong na pagbangon ng ekonomiya, nagtulak kay PDu30 para sang-ayunan ang hakbang ng IATF

    ANG usad-pagong na economic recovery ng bansa ang dahilan para sang- ayunan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbubukas ng iba pang mga negosyo simula ngayong araw na ito.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, naiintindihan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon at pinag- isipan ng Punong Ehekutibo […]

  • MSMEs, makakakuha ng P1.2-B fund assistance sa ilalim ng 2023 budget

    INANUNSYO ng  Department of Budget and Management (DBM) na may kabuuang P1.2 bilyong piso ang magpopondo sa iba’t ibang programa ng gobyerno para palakasin ang  micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa ilalim ng national budget ngayong taon.     Sinabi ng DBM na ang mga programang ito ay bahagi ng  MSME Development Plan at […]

  • LRTA: Fare hike di minamadali

    WALA sa plano ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na madaliin ang pagpayag na magkaroon ng pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2.     “The fare hike request must go through the regulatory process such as public consultations. Thus, there is no rush the approval of a petition for fare […]