• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dy, 6 pa kabilang sa WNBL draft

NASA pitong mga kasapi dati ng Gilas Pilipinas o national women’s quintet sa pamumuno ni Raiza Rose Palmera-Dy ang mga pumasok sa opisyal 177 ballers para sa 1st Women’s National Basketbal League (WNBL) Rookie Draft 2020 sa San Fernando, Pampanga bago matapos ang buwang ito.

 

Kasama ng 27 na taong-gulang at 5-6 ang taas na si Dy, 29, ang anim pang former nationals sa nakatakdang pagtitipon sina April Lualhati, 32, Gemma Miranda, 25, Camille Sambile, 28, Mary Joy Galicia, 31, Marites Gadian , at Angeli Jo Gloriani.

 

Nabatid kamakalawa kay WNBL executive vice president Rhose Montreal, na ang nasabing bilang ay buhat sa mga sinala sa mahigit 700 aplikante para sa draft sa kauna-unahang professional women’s league sa bansa.

 

Mangungunba naman sa amateur at collegiate players ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 Finals 2019-20 Most Valuable Player na si Monique Del Carmen ng six-peat champion National University Lady Bull- dogs. (REC)

Other News
  • Speaker Romualdez idinepensa ang Kamara laban sa mga kritiko

    “WALANG personalan, trabaho lang,” ito ang naging pahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez laban sa mga kritiko, pagbabanta, at pananakot saan man ito nanggaling.     Sa kanyang talumpati sa muling pagbubukas ng sesyon, tinuligsa ni Romualdez ang iilan na ang intensyon ay lumikha umano ng pagkakawatak-watak ng bansa.     “Tatayo ako laban sa […]

  • Kampanya ni Saso inantala ng ulan

    NAURONG ang pagkorona sa bagong reyna ng 75th US Women’s Open Golf Championship nitong Linggo dahil sa serye nang pagbuhos ng ulan sa Cypress Creek at Jackrabbit course ng Champions Golf Club sa Houston, Texas.   Ipinahayag ng United States Golf Association (USGA) agronomists , na inabot ng 78 pulgada ang tubig sa golf course […]

  • Fuentes handa nang pumalo

    PUMASOK na bilang Lady Spiker ang Fil-Am volleybelle na si Jade Fuentes nang mag-umpisa na sa online class sa De La Salle University nitong Miyerkoles.   Masaya sa kanyang unang salang bilang kolehiyala ang 17- anyos na atleta at ipinaskil pa sa kanyang Twitter account ang saloobin.   “Finally starting my first day of college […]