2nd dose ng COVID-19 vaccine kailangan para sa full protection
- Published on June 7, 2021
- by @peoplesbalita
Importanteng makumpleto sa takdang araw ang ikalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19 upang magkaroon ng “full protection,” ayon kay Dr. Edsel Salvaña ng Department of Health.
Nilinaw ni Salvaña na hindi kailangang ulitin ang unang dose sakaling mahuli ang pagpapaturok ng ikalawang dose pero mas maganda aniya na maibigay ito “on time.”
“So hindi naman po malaking bagay iyon at hindi ninyo kailangan mag-start from scratch ulit kahit na-miss ninyo po iyong actual date ng inyong second dose. Bagama’t mas maganda pa rin na on time para mas mabilis po natin makuha iyong full protection,” ani Salvaña.
Ipinaliwanag pa ni Salvaña na ginagawa naman talaga ang “catch-up vaccination” at eepekto pa rin ang bakuna kahit mahuli pa ang ikalawang dose.
“Pero kung mahuli nang kaunti, hindi naman po malaking bagay iyon; iepekto pa rin naman iyong ating bakuna. Bagama’t, iyon nga, mas maganda talaga to get the second dose on time para iyong full protection natin ay makuha na as soon as possible,” ani Salvaña.
Idinagdag ni Salvaña na may bakuna na mas matagal na ibinibigay ang second dose katulad ng AstraZeneca na may pagitang 12 linggo.
Kahit pa kinapitan ng COVID-19 matapos ang unang dose, puwede pa ring bigyan ng second dose matapos gumaling ang pasyente.
Ginawa ni Salvaña ang paglilinaw matapos iulat ng DOH na 9% ng mga nabigyan ng first dose ay ipinagpaliban ang pagpapaturok ng ikalawang dose. (Daris Jose)
-
Valenzuela PESO humakot ng multiple awards
NAG-UWI ng multiple awards ang Public Employment Service Office (PESO) – Valenzuela matapos kilalanin ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE – NCR) bilang Best Performing PESO sa NCR 2023 sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian. Nakamit ng PESO-Valenzuela ang tatlong core function awards na Best in Referral and […]
-
PSC tutulungan ang mga national athletes, coaches
Hindi pababayaan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga national athletes at coaches na naapektuhan ng pagragasa ng bagyong ‘Ulysses’. Ayon kay PSC National Training Director Mark Velasco, nakikipag-usap na sila sa mga National Sports Associations (NSAs) kaugnay sa katayuan ng kani-kanilang mga atleta at coaches. “We are coordinating with the different NSAs […]
-
P284-B pondo para sa 2025, inaprubahan ng Philhealth board
INAPRUBAHAN na ng Philhealth Board of directors na pinamumunuan ni Department of Health Secretary Ted Herbosa ang P284 billion Corporate Operating Budget (COB) para sa fiscal year (FY) 2025. Ito ay mas mataas ng 10% kumpara sa P259 billion na pondo ng state health insurer noong nakalipas na taon. Ang Corporate […]