PSC tutulungan ang mga national athletes, coaches
- Published on November 18, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi pababayaan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga national athletes at coaches na naapektuhan ng pagragasa ng bagyong ‘Ulysses’.
Ayon kay PSC National Training Director Mark Velasco, nakikipag-usap na sila sa mga National Sports Associations (NSAs) kaugnay sa katayuan ng kani-kanilang mga atleta at coaches.
“We are coordinating with the different NSAs to account their athletes or coaches who might be affected,” wika ni Velasco. “PSC will surely extend what it can to these affected athletes or coaches.”
Kabilang ang mga national athletes at coaches ng canoe/kayak at dragonbat at rowing sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong ‘Ulysses’ sa Cagayan, Isabela, Marikina, Pasig, Bicol at Rizal.
Nagsasanay ang canoe/kayak team sa Taytay, Rizal habang nag-eensayo naman ang mga national rowers sa La Mesa Dam.
Binaha ang quarters ng 33 miyembro ng national canoe/kayak team pati na ang anim nilang coaches, samantalang hindi naman nakapag-ensayo ang rowing squad dahil sa pagbaha sa La Mesa Dam.
Sa paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic noong Marso ay pinauwi ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga national athletes at coaches na nakatira sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at Philsports Complex sa Pasig City sa kanilang mga probinsya.
Hindi pa sila nakakabalik sa RMSC at Philsports dahil ipinagbabawal pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) pagbabalik-ensayo ng mga atleta.
-
MMDA, pinaalalahanan ang publiko na dalhin ang ID at vaccination card
PINAALALAHANAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na palaging dalhin ang kanilang ID at vaccination card. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na magkakaroon kasi ng mga random checking sa lahat ng mga gusali habang nasa ilalim ng alert level 3 ang NCR at ilang lugar […]
-
PAGGAMIT NG VCM, PINAG-AARALAN
PINAG-AARALAN ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng masusing pagtalakay sa paggamit ng mahigit 97,000 vote counting machines (VCMs) sa darating na halalan sa bansa. Sinabi ni acting poll body chairperson Socorro Inting sa isang forum na mahigit 107,000 VCMs na ginamit noong Mayo 2022 election, mahigit 97,000 ang ginamit sa mga […]
-
Garapal na online sellers ng face mask, alcohol tutugisin ng DTI
TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na hahabulin nila ang mga garapal at hindi lehitimong online sellers na nagbebenta ng face mask, alcohol, sanitizers at iba pa sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19). Sa Laging Handa press briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi DTI Secretary Ramon Lopez na hindi […]