• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2nd place sa Paris Diamond League Obiena winasak ang sariling Philippine record

Kasabay ng pag-angkin sa second place ay ang pagtatala ni national pole vaulter Ernest John Obiena ng bagong Philippine record.

 

 

Lumundag si Obiena ng 5.91 meters para basagin ang kanyang personal best at national record na 5.87m sa Paris Diamond League sa Stade Charlety, Paris, France.

 

 

“A 2nd place finish at the Paris 2021 Diamond League, and a new national record and personal best of 5.91m.,” ani Obiena sa kanyang Facebook account. “Thank you God! And thank you to those who keep on supporting and believing despite the ups and downs.”

 

 

Ang nasabing 5.87m ay ipinoste niya sa isang torneo sa Poland noong Hunyo.

 

 

Ito ang ikalawang kompetisyon ng 6-foot-2 Pinoy pride matapos ang 11th-place finish sa nakaraang Tokyo Olympic Games.

 

 

Sa kanyang second place finish ay lumapit si Obiena sa pag-qualify sa Wanda Diamond League Final sa Zurich sa Setyembre 8 at 9.

 

 

Sa Setyembre 3 ay muli siyang lalaban sa Brussels leg para sa tansang makapasok sa Final event.

 

 

Inangkin ni Tokyo Games gold medalist at world record holder Armand Duplantis ng Sweden ang first place ng nasabing leg sa kanyang 6.01m.

 

 

Tumersera si Tokyo Olympics silver medalist Christopher Nilsen ng US sa kanyang 5.81m. kasunod si Sam Kendricks na may 5.73m. (RC)

Other News
  • After 36 Years, ‘Superman: Legacy’ Could Bring Back The Iconic Cape Logo

    DAVID Corenswet’s Clark Kent in Superman: Legacy could don a costume that brings back one iconic aspect of the hero’s suit that has long been missing.   After 36 years, Superman: Legacy can finally see the return of an important costume detail.   James Gunn’s Superman: Legacy promises to be quite the start for the […]

  • Ads January 26, 2023

  • NBI, inatasan ni PDu30 na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa nangyaring shootout sa QC

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa nangyaring shootout sa Commonwealth Avenue, Quezon City.   Ipinag-utos din ng Pangulo sa binuong joint panel ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na itigil na ang isinasagawa ng mga itong imbestigasyon. […]