• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3-4 milyon dadagsa sa Manila North Cemetery

INAASAHAN na aabot mula tatlo hanggang apat na milyon bisita ang da­dagsa sa Manila North Cemetery ngayong Undas makaraan ang dalawang taon na pagsasara nito dahil sa pandemya.

 

 

Sinabi ng pamunuan ng sementeryo na ito ay posible dahil sa pagkasabik ng publiko sa mabisita ang mga namayapang kaanak sa mismong araw ng All-Saints Day (November 1) at All Soul’s Day (November 2).

 

 

Sa inilabas na paalala ng Manila local government, simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 ay hindi papayagang makapasok sa Manila North at Manila South Cemetery ang hindi pa bakunado at mga batang edad 12 pababa.

 

 

“Bago tayo makapasok sa main gate, mayroon na tayong inspection area na nandoon ‘yung ­ating mga kapulisan sila na ‘yung naka-assign para mag-inspect ng vaccine card. At the same time, sila na rin ang magbaban­tay sa gate kung bata po hindi talaga papapasukin, ihohold na sila doon,” ani Roselle Castaneda, officer in charge ng Manila North Cemetery.

 

 

Ayon naman kay MPD spokesperson Police Maj. Philipp Ines, mayroong nasa 700 tauhan ng MPD ang idedeploy sa Oktubre 31. Sa Nobyembre 1 at 2 ay itataas na ito sa 1,500 pulis na magbabantay.

 

 

Paalala rin ng MPD na bawal magdala ng patalim, baril, at ano mang matutulis na bagay. Bawal din ang flammable materials, alak, mga bagay na lumilikha ng malalakas na ingay at bawal ding magsugal.

 

 

Bubuksan ang mga sementeryo sa mga nabanggit na petsa mula alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

 

 

Bagama’t “open space” ang sementeryo, hinihikayat ng pamunuan na magsuot pa rin ng face mask.  Pagbabawalan pa rin ang mga nagtitinda ng pagkain, bulaklak, at kandila sa loob ng mga sementeryo. (Daris Jose)

Other News
  • Ads August 7, 2021

  • Pagbati bumuhos sa pagkapanalo ni Matsuyama na unang Japanese na nagwagi sa Masters

    Pinangunahan mismo ni Tiger Woods ang pagbati sa Japanese golf player na si Hideki Matsuyama matapos magwaig ito sa The Masters sa Augusta, Georgia.     Tinalo kasi ni Matsuyama si Will Zalatoris ng US at siya ang unang Japanese na nakakuha ng nasabing titulo. Sa pamamagitan ng kaniyang Twitter ay binati ni Woods ang […]

  • IMMIGRATION PERSONNEL, BAWAL MAG-LEAVE SA PANAHON NG KAPASKUHAN

    PINAGBABAWALAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga personnel na naka-assigned sa iba’t ibang international airport sa buong bansa na mag-leave simula sa susunod na buwan para masiguro ang sapat na bilang na mga naka-duty na Immigration officer pagsapit ng Kapaskuhan.   Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang pagbabawal sa isang empleyado […]