IMMIGRATION PERSONNEL, BAWAL MAG-LEAVE SA PANAHON NG KAPASKUHAN
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
PINAGBABAWALAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga personnel na naka-assigned sa iba’t ibang international airport sa buong bansa na mag-leave simula sa susunod na buwan para masiguro ang sapat na bilang na mga naka-duty na Immigration officer pagsapit ng Kapaskuhan.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang pagbabawal sa isang empleyado na mag-leave ay magsisimula sa December 1 hanggang January 15, 2021.
“We have to make sure that our immigration booths at the airports are adequately manned in anticipation of an increase in the number of international travelers who will enter and exit the country during that period,” ayon kay Morente.
Gayunman, sinabi rin ni Morente na inaasahan nilang maliit lamang ang bilang ng mga pasahero na paalis at padating dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon pa sa BI Chief na marami pa ring mga bansa, kabilang ang Pilipinas ang hindi pa inaalis ang travel restrictions na nagsimula pa noong March.
“Thus, we are confident that the number of Immigration officers currently deployed at the ports are enough to facilitate the efficient conduct of immigration formalities for arriving and departing passengers,” dagdag pa ni Morente.
Ayon naman kay Atty. Candy Tan, BI port operations division chief, na ang pagbabawal na mag-leave ay para lamang sa mga Immigration personnel na naka-assigned sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) gayundin sa Mactan Cebu at Clark, Pampanga, Kalibo, Iloilo, Davao, Laoag at ang Zamboanga international seaport. (GENE ADSUARA)
-
CAYOBIT DEHADO PERO KAKASA RIN SA 36TH PBA DRAFT 2021
BATID ni Christian Cayobit na dehado siya sa mga kapanabayan sa darating na Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft sa Marso 14. Gayunman, hindi na nawalan ng pag-asa ang tunong Cebu na mang-aawit at basketbolista sa puntirya niyang makapasok sa unang propesyonal na liga sa Asya. Kabilang ang 30 taong […]
-
Ulat ng COVID-19 sa mga iskul, binubusisi ng DepEd
BINUBUSISI ng Department of Education (DepEd) ang natanggap na ulat na may ilang paaralan at school personnel ang nagka-COVID mula nang simulan muli ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa bansa. Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, patuloy nilang inaalam ang report dahil wala pa silang ulat kung ilan ang nagkaroon ng virus sa […]
-
Wala nang mahihiling pa dahil ‘#blessed’ na: ‘Gift of Life’, pinaka-best birthday gift na natanggap ni MAINE
MAY nakarating nga sa aming balita na anytime, may balak na raw mag-propose si Arjo Atayde. Pero dahil wala pang lumalabas kung naganap na ba ito o hindi pa, baka naman nga humahanap pa ng tamang timing ang actor. Kaya nang matanong si Maine Mendoza kung ano ang best gift na […]