3 anggulo, sinisilip sa Laguna chopper crash
- Published on March 7, 2020
- by @peoplesbalita
SINISILIP ng Philippine National Police ang nasa tatlong anggulo sa nangyaring pagbagsak ng helicopter na sinakyan ng hepe ng kapulisan kasama ang 7 iba pa, ayon sa nangunguna sa imbestigasyon.
Huwebes, Marso 5, nang gulantangin ang lahat matapos na bumagsak ang Bell 429 chopper sakay si Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa matapos na sumabit sa kawad ng kuryente sa San Pedro, Laguna.
Pilot error, kondisyon ng chopper at ang pagprepara sa takeoff site ang tatlong mahahalagang tini-tingnang anggulo sa imbestigasyon ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar. “Kailangan malaman natin ano talaga ang nangyari dito,” ani Eleazar.
Nauna nang nakumpirma na nadiligan naman ng tubig ang lupa kung saan nag-take off ang chopper pero sa kabila nito ay nabalot ng alikabok ang bisinidad dahilan para mag-zero visibility doon.
Ayon kay Eleazar na maaaring agad na natuyo ang tubig sa kalupaan kaya nangyari ang ganung insidente.
Nagtutulungan nang iniinspeksyon ng kapulisan, Air Force at ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang crash site, ani Eleazar.
“This is probably the first time that we will be conducting a chopper or aircraft crash investigation kaya (so) we really need the help of concerned agencies,” dagdag pa niya.
Kritikal pa rin ang kondisyon ni Major Generals Jovic Ramos at Mariel Magaway, ang hepe ng comptrollership at intelligence heads ng PNP, ayon kay Eleazar.
Sa ngayon ay grounded muna ang lahat ng sasakyang pang-himpapawid ng PNP habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
PNP chopper tragedy: ‘Mamamatay na tayo’ – Gamboa sa kanyang aide
SAMANTALA, kuwento ni PNP (Philippine National Police) Chief Director General Archie Gamboa na tila nawalan na siya umano ng pag-asa na mabubuhay pa sa gitna ng pagsisikap ng mga piloto ng sinasakyang helicopter na makaiwas sana sa zero visibility location sa San Pedro, Laguna.
Ito ang paglalahad ni Police Regional Office-10 regional director B/Gen. Rolando Anduyan nang makausap nito ng personal si Gamboa habang naka-confine sa ospital dahil sa trahedya.
Sa panayam, inihayag ni Anduyan na tanging mga katagang “mamamatay na tayo” ang huling salita na nabitawan ni Gamboa sa kanyang aide de camp na si Capt. Kevin Gayramara bago tuluyang bumagsak ang Bell 429 twin engine chopper.
Hindi na aniya umasa pa ang PNP chief na makakaligtas.
Dagdag nito na bagama’t ikinatuwa nito na hindi malubha ang tinamong mga sugat ni Gamboa, panalangin din nila na makarekober sina PNP Directorate for Comptrollership Major General Jovic Ramos at Director for Intelligence Major General Mariel Magaway na ‘comatosed’ nang dumating sa pagamutan.
-
Pinas, handang makatrabaho ang mga ASEAN partners para sa food security
HANDA ang gobyerno ng Pilipinas na makatrabaho ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang tiyakin ang food security sa bansa at sa rehiyon. Nakiisa si Pangulong Marcos sa kanyang mga kapwa lider sa idinaos na 25th ASEAN Plus Three (China, Japan, Korea) Summit sa Phnom Penh, Cambodia. “Attaining food self-sufficiency and […]
-
OCTA: Inflation, pagkain top concern ng Pinoy NANANATILI ang inflation at pagkain sa pangunahing concerns o alalahanin ng mga Pinoy.
Batay sa resulta ng OCTA Research 4th Quarter 2024 Tugon ng Masa (TNM) nationwide survey na inilabas kahapon, 56% ng adult Filipinos ay itinuturing na ang pagkontrol sa presyo ng basic goods at commodities bilang top national concern. “This is a significant drop of 10 percentage points from the 66% registered during the 3rd Quarter […]
-
Ginebra coach Tim Cone kinuhang assistant coach ng Heat sa NBA Summer League
ITINUTURING ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone bilang isang hamon ang pagkakapili sa kaniya bilang coaching staff ng Miami Heat sa NBA Summer League. Sinabi ng beteranong coach na inimbitahan siya ng Heat sa summer league game na magsisimula sa Hulyo sa San Francisco at Las Vegas. Magiging bahagi ito […]