3 araw na gun ban ipatutupad sa SONA
- Published on July 20, 2024
- by @peoplesbalita
TATLONG araw iiral ang gun ban sa Metro Manila kaugnay ng gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 22,
Ayon kay PNP-Civil Security Group spokesperson Police Lt. Col. Eudisan Gultiano, suspendido ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) simula alas-12:01 ng madaling araw ng Sabado (July 20) at tatagal hanggang alas-12 ng hatinggabi ng July 22.
Ang gun ban ay bahagi ng precautionary measure para matiyak ang seguridad sa SONA.
Una nang sinabi ng Philippine National Police na magpapakalat ng 22,000 pulis sa SONA.
Tiniyak din ng PNP ang pagpapairal ng maximum tolerance sa mga isasagawang kilos protesta sa araw ng SONA.
Paglilinaw ni Gultiano na epektibo lamang ang naturang gun ban sa National Capital Region (NCR) taliwas sa mga naunang anunsyo na nationwide ang pagpapatupad nito.
Dagdag pa ng opisyal, tanging ang mga naka-duty na uniformed personnel ang papayagang magdala ng baril sa mga nabanggit na araw. (Daris Jose)
-
PBBM, nagpalabas ng EO na magpapatupad ng PH-S.Korea free trade deal
NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang executive order (EO) na magpapatupad ng iskedyul ng tariff commitment ng Pilipinas sa ilalim ng Free Trade Agreement with South Korea (PH-KR FTA) ng bansa. Ang direktiba ay nasa ilalim ng EO No. 80, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na may pahintulot naman ng Pangulo, ipinalabas […]
-
Ilang mga pagamutan nag-alok ng home care para sa mga COVID-19 positive
May mga listahan na ang Department of Health ng mga pagamutan na magbibigay ng home care at telemedicines services para sa mga suspected, probable, mild at asymptomatic na pasyente para hindi na sila magpunta pa sa mga pagamutan. Ang nasabing hakbang ay dahil sa kawalan na ng mga kuwarto ng mga pagamutan dahil […]
-
Higit 19K bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH
NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng 19,262 bagong kaso ng COVID-19 nitong Agosto 22-28. Batay sa National COVID-19 case bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, mayroong average na 2,752 kaso na naitatala kada araw sa nakalipas na linggo. Mas mababa na ito ng 19% kumpara sa mga kasong naitala mula Agosto 15-21. […]