3 arestado sa P119K shabu sa Valenzuela
- Published on June 15, 2021
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa P.1 milyon halaga ng illegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang drug personalities sa buy bust operation at sa isang checkpoint sa Valenzuela city.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, ang naarestong mga suspek na si Ricardo Carriedo, 45 ng 292 Canumay West at Eduard Plano, 37 ng 72 Rubber Master, Lingunan.
Sa imbestigasyon ni PSSg Ana Liza Antonio, dakong alas-9:20 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Rubber Master St., Bukid, Brgy. Lingunan na nagresulta sa pagkakaaresto kay Carriedo at Plano matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang anim na plastic sachets na naglalaman ng nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P102,000.00 ang halaga, buy bust money, P460 cash, cellphone at pouch.
Samatala, dakong alas-2:30 ng hapon, nagsasagawa ng checkpoint sa harap ng Sea Oil Karuhatan Road, Brgy. Karuhatan ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 9 sa pangunguna ni PLT Francisco Tanagan nang parahin ni Pat Sunny Mercado at PCpl Darwin Orale si Rodel Deran, 38, tricycle driver na sakay ng isang motorsiklo.
Ani SDEU investigator PCpl Glenn De Chavez, nang hingin ng mga pulis ang kanyang driver license ay nakita ni Pat. Mercado ang nakapiit dito na isang plastic sachet ng hinihinalang shabu kaya’t inaresto ang suspek at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang isa pang sachet ng hinihinalng shabu na tinatayang nasa P17,000 lahat ang halaga. (Richard Mesa)
-
SolGen, iginiit na legitimate law enforcement operation ang war on drugs
SINABI ni Solicitor General Menardo Guevarra na hindi “crime against humanity” ang war on drugs. Ito aniya ay legitimate law enforcement operation target ang komersyo ng illegal drugs. “‘Yung war on drugs, talagang ‘yung tinatarget natin doon ay ‘yung crime, ‘yung illegal traffic and illegal drugs,” ayon kay Guevarra sa pinakabagong episode ng The Mangahas […]
-
4 tulak, nalambat sa Navotas drug bust, higit P.1M droga nasabat
MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos mabingwit ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief […]
-
Tiyak na magmamarka rin sa kanilang pelikula: DIMPLES, sobrang taas ng respeto kina JAKE at SEAN
GIVEN na ‘yung eksena sa pagitan nina Jake Cuenca at Sean de Guzman sa 2020 MMFF entry na “My Father, Myself” na magmamarka sa trailer. Pero sigurado kaming hindi rin pwedeng hindi magmarka ‘yung scene ni Dimples Romana at ‘yung binitawan niyang linya. Sabi namin sa kanya, isa siya sa kilalang mahusay at trusted actress […]