• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiyak na magmamarka rin sa kanilang pelikula: DIMPLES, sobrang taas ng respeto kina JAKE at SEAN

GIVEN na ‘yung eksena sa pagitan nina Jake Cuenca at Sean de Guzman sa 2020 MMFF entry na “My Father, Myself” na magmamarka sa trailer. 
Pero sigurado kaming hindi rin pwedeng hindi magmarka ‘yung scene ni Dimples Romana at ‘yung binitawan niyang linya.
Sabi namin sa kanya, isa siya sa kilalang mahusay at trusted actress talaga. Pero never pa siyang nakagawa ng role na tulad nina Jake at Sean, may affair of the same sex o may intimacy.
Saka niya inamin sa naging mediacon ng “My Father, Myself” na may offer raw talaga sa kanya nitong pandemic lang.
“I wouldn’t lie, there was an offer and this offer came during pandemic. But ask you know, I have a husband I have to report to every single time. This is not only by a mandatory rule, not obligatory at all, but out of respect.
“So ako, as an actor, sa totoo, I’m always very curious. Always. Kasi, ano ‘yan, parang sakit ng artist ana tumanda na sa industriyang ito, nagi-itch ka, kaya ko ba ‘yan gawin? Magagawa ko ba ‘yan gawin? The bigger the risk, the bigger the reward.
“Noong in-offer sa akin ‘yon, ito ay isang director rin na nanay-nanayan ko, noong in-offer sa akin ‘yon, sabi ko lang po, hindi pa po yata ako handa. Kasi, hindi ko naramdaman sa puso ko na handa na ‘ko, e.”
At sabi nga ni Dimples, sobrang taas daw ng respeto niya sa mga co-actors sa movie na sina Jake at Sean.
“Ang taas ng respeto ko kay Jake at kay Sean kasi, it takes a lot of hearts and guts to follow through that kind of scene. Kailangan buong-buo ang loob mo bilang artista.
“At that time, pinanghihinaan pa ang loob ko. Hindi ko rin alam kung dahil pandemic no’n and I’m shying away from the role that I’m not used to. It was I na hindi ko alam kung kaya kong i-deliver.”
Hindi rin naman daw sinasarado ni Dimples ang posibilidad na sa future, tumanggap o gumawa rin siya ng tomboyan na kuwento. Lalo na kung talagang magustuhan niya ang materyal.
Kaya follow-up na tanong namin sa kanya, papayagan kaya siya ni Papa Boyet Ahmee, ang kanyang mister?
“We will cross the bridge when we get there,” natawa niyang sabi. “Kapag dumating ang panahon na ‘yon, baka kailangan ko munang ipabasa sa asawa ko at saka, baka tanungin kung sino ang partner.
“Kasi, mas ‘yon si Boyet, e. Sino ang katrabaho mo, mas ‘yon…”
Hindi kaya ang mismong mga producers rin ng “My Father, Myself” ang makapag-kumbinse sa actress at makapag-produce ng materyal na mao-oohan niya at ng kanyang mister?
Ang mga producers na sina Len Carillo, Win Sagaldo , Jumerlito P. Corpuz, Nicanor C. Sbad at Bryan Dy. At baka kung ang director rin ay si Direk Joel Lamangan.
***
DAHIL nga MOMS (Mhies on a Mission) ang title ng bagong show nina Mariel Rodriguez, Ciara Sotto and Ruffa Gutierrez sa AllTV-2, natanong ang tatlo sa mediacon kung pangarap pa ba nila na magkaroon ng another baby.
Sabi agad ni Ruffa, “ako? No!”
“Before, I was thinking about freezing my eggs, mga 5 years ago and buti hindi ko ginawa. Kasi mahirap magpa-aral ng mga anak na single mom ka.”
Mabuti na nga lang daw at marami pa rin siyang mga blessings at projects kaya nakakaya niyang pag-aralin sa magandang school ang kanyang dalawang anak na sina Lorin and Venice.
“Kaya ako kumakayod actually, kasi nga, my kids are now going into college, mahal din ang college na gusto nila, kasi gusto nila sa abroad,” aniya.
“So, hindi na siguro. Siguro naman, kung sino ‘yung magmamahal sa akin, mamahalin ako nang buong-buo. Hindi na kailangan naming magkaroon ng anak para i-prove ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa,” sabi pa niya.
Si Ciara naman ay isa pa lang ang anak pero aniya ay parang okay na sa kanya ‘yun.
“Pero kung dumating pa, sige lang, why not?” sey ni Ciara.
Same with Mariel na enough na raw sa kanya ang dalawa niyang anak na sina Isabella at Gabriella.
“‘Yung 2 girls, alam mo ‘yun, it’a a lot. Totoo po ‘yung sinabi ni ate Mhie (Ruffa), mahal po magpa-aral talaga. So, we have to think of those things also,” saad ni Mariel.
Anyway, excited ang tatlo dahil ngayon lang sila magkakasama-sama sa isang show at gustong-gusto pa raw nila ang konsepto since pawang mga mommies na nga sila.
Wala naman daw awkwardness dahil dati naman daw silang nagkikita-kita na sa industry at lahat sila ay mga close sa isa’t isa like Ruffa and Ciara na family friends na noon pa.
Si Ruffa at Mariel ay close na rin noon pa man kaya naman nang i-offer daw sa kanilang tatlo ang show ay umoo agad sila.
Magsisimula na sa Lunes, Nov. 28 ang MOMS, 11am-12 noon sa All TV.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • Ads March 4, 2023

  • Parehong matapang at matulungin sa mga mahihirap: Sen. RAFFY at Sec. ERWIN, nagbukuhan sa ‘Korina Interviews’ ni KORINA

    ANO nga ba ang meron sa Tulfo Brothers na may katumbas ng respeto ang kanilang pangalan at halos lahat ay nanginginig sa kanila?   “Matagal ko nang kakilala ang magkapatid na Raffy at Erwin at sa kauna-unahang pagkakataon, opisyal ko na silang na-interview ng magkasama!   “At ngayon Senador na si Raffy at DSWD Secretary […]

  • Ads June 20, 2023