• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 bagong COVID-19 variants pinangangambahan

TATLONG  bagong va­riants ng COVID-19 na tinatawag na Deltacron o Delmicron, Flurona at IHU ang pinangangambahan ngayon na kumalat makaraang matuklasan sa Europa at Amerika.

 

 

Agad namang pinawi kahapon ng Department of Health (DOH) ang pa­ngamba sa mga Pilipino sa pagsasabing wala pa sa Pilipinas ang naturang mga variants.

 

 

“Currently, no recor­ded cases here in the Phi­lippines. Our experts are still studying this,” ayon sa pahayag ng DOH.

 

 

Iginiit din ng DOH na ang World Health Organization (WHO) ang siyang awtoridad sa pagkumpirma sa naturang mga variants at pagdetermina kung ang mga ito ay “Variant under Monitoring (VUM), Variant of Interest (VOI), o Variant of Concern” na.

 

 

Ayon sa mga internasyunal na ulat, may 25 kaso na ng Deltacron ang natukoy sa bansang Cyprus. Nakitaan ang Deltacron ng 10 mutasyon mula sa Omicron va­riant habang ang “genetic background” nito ay kahalintulad naman ng Delta variant.

 

 

Posible umano na dahil sa pagkakasabay ng Delta at Omicron, lumikha na ito ng bagong variant na resulta ng pagpapalit-palit ng mga ito ng “genes”.

 

 

Samantala, natagpuan naman sa 12 pas­yente sa France ang IHU na may 46 na mutasyon. Hindi pa naman mabatid kung gaano kabagsik at gaano kabilis kumalat ng naturang variant na kailangan pang isailalim sa dagdag na mga pagsusuri.

 

 

Natagpuan naman ang tinatawag na Flurona sa dalawang pasyente sa Estados Unidos at isa sa Israel. Ang Flurona ang tawag sa pinaghalong impeksyon ng “influenza o flu” at ng COVID-19.

Other News
  • Thankful sa mga papuri na natatanggap ng teleserye nila ni Khalil: GABBI, ‘di nakalilimutan ang mga pangaral ng ama pagdating sa pakikipagrelasyon

    HINDING-HINDI raw nakalilimutan ni Gabbi Garcia ang mga advises ng kanyang ama pagdating sa pakikipagrelasyon.   Ayon sa bida ng GMA teleserye na Love You Stranger, pinahahalagahan niya ang mga pangaral sa kanya ng kanyang ama. Very close kasi si Gabbi sa kanyang ama kung kanino siya nagmana ng pagiging adventurous.   “Laging sinasabi ni […]

  • Jesus; Matthew 6:34

    Do not worry about tomorrow.

  • Pascual mag-iiwan ng bakas

    DUMADALANGIN si San Beda High School Red Cubs team captain Jose Miguel Pascual  na maidaraos ang 96th National Collegiate Athletic Association (NCAA) juniors boys basketball tournament 2020-21 upang maging makulay ang pag-eksit niya   Huling taon na 19 na taong gulang at 5-11 ang taas na point guard para sa Mendiola-based squad dahil magtatapos na siya […]