Marcelino sobra na ang sakripisyo
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
PINAGTAPAT ni Philippine Basketball Association o PBA rookie rookie Jaycee Marcelino ng Alaska Milk na naging mahirap para sa kanya ang pagkakatengga ng ika-45 na edisyon ng propesyonal liga na Philippine Cup 2020 elimination round.
Ayon kamakalawa sa basketbolista, may 10 buwan siyang hindi nakapaglaro ng opisyal na basketbol o magbuhat nang yumukod ang Lyceum of the Philippines University sa Colegio de San Juan de Letran 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2019 semi- finals bago nag-lockdown nitong Marso sanhi ng Covid-19.
“Sa akin sobrang hirap kasi nung na-cancel po ‘yung mga practice saka laro, umuwi po [muna] ako ng probinsya,” litanya ng Aces 17th overall pick sa 2019 PBA Rookie Draft noong Disyembre.
Pero maski naman matagal na namahinga siya sa sport, nagpapasalamat pa rin ang collegiate standout lalo’t nakakapag- training via online ang mga maggagatas bilang paghahanda sa PBA bubble simula sa Oktubre 11 sa Clark Freeport.
“Pero ang maganda sa team namin nag zu-zoom workout kami at tatlong beses yun sa isang lingo,” wakas na wika ng cager na dalawang taon ang nilagdaang kontrata sa prangkisang Uytengsu. (REC)
-
Mga panukalang batas, ipinasa ng Kamara
Inaprubahan ng Kamara ang iba’t ibang panukala sa ikalawang pagbasa bago nagdeklara ng pagsasara ng sesyon para sa pagdiriwang ng Pasko. Isa na rito ay ang House Bill 8097 na naglalayong gawaran ng karagdagang benepisyo ang mga solo parents. Ang mga kuwalipikadong solo parents ay maaaring makinabang ng karagdagang 10% diskwento, sa pagbili […]
-
Coach ni McGregor tiniyak na wala ng aberya sa laban kay Pacquiao
TINIYAK ng kilalang mixed martial arts coach John Kavanagh na matutuloy ang harapan ng kaniyang alagang si Conor McGregor at Filipino boxing champion Manny Pacquiao. Sinabi nito na kontrata na lamang ang kulang dahil nagkaroon na ng inisyal na pag- uusap and dalawang kampo. May mga ilang detalye pang pinaplantsa ang dalawang kampo. Nauna […]
-
Limited face to face classes aprubado na ni PDU30
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot face to face classes. Sa regular press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay inanunsiyo ni DEPED secretary Leonor Briones ang gagawing pagsisimula ng face to face classess. Limitado lamang muna ito sa 100 paaralan. Base sa guidelines , maisasagawa lamang […]