• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 binitbit sa buy bust sa Malabon, P53K shabu, nasamsam

KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong bagong indentified drug personalities matapos mabitag sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Gilbert Habana, 36 ng Daang Bangko Angeles Street, Brgy San Roque Navotas City; John Ezekeil Noga, 19 ng P. Gomez Street Brgy 13 Caloocan City; at John Willie Bartolome, 23 ng 4th Avenue 2nd Street Brgy 118 Caloocan City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) director PBGEN Ponce Rogelio Penones Jr, sinabo ni Col. Daro na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Allan Reyes sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Alexander Dela Cruz ang buy bust operation kontra kay Habana at Noga sa P. Aquino Road corner Dr. Lascano Brgy. Tugatog matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa kanilang ilegal drug activities.

 

 

Nang tanggapin ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba, kasama si Bartolome na sinasabing bumili rin ng droga sa dalawa.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumukulang 7.9 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php 53,720.00, buy bust money at coin purse.

 

 

Binigyan ng papuri ni BGen. Penones ang Malabon CPS sa kanilang matagumpay na kampanya kontra ilegal na droga habang mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Classroom shortage, top priority dapat ng –DepEd

    NAIS ng mga nakakaraming Filipino na unahin at resolbahin ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan sa mga silid-aralan.     Base sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Setyembre 17-21,2022, tinanong ang 1,200 respondents kung alin sa mga nakalistang isyu ang dapat aksyunan.     Nasa 52% ang tumukoy sa kakulangan ng silid […]

  • Siklista ng GFG, papadyak sa 10th Ronda Pilipinas 2020

    MASISILAYAN ang tikas ng Go for Gold Cycling Team sa pagpedal sa LBC Ronda Pilipinas 10th Anniversary Race na magsisimula sa Pebero 23 sa Sorsogon at matatapos sa Marso 4 sa Vigan, Ilocos Sur.   Irarrampa ng GFG ang mga batang siklista upang harapin ang hamon ng mga beterano buhat sa mga tigasing kaponan katulad […]

  • Christmas convoy, magpapatuloy sa PH-occupied areas sa WPS

    TULOY ang  “Christmas Convoy” na inorganisa ng  civilian organization para  sa mga mangingisda at frontliners sa West Philippine Sea (WPS).     Iyon nga lamang kailangang sundin ng mga lider ng organisasyon ang posisyon ng gobyerno na hindi sila pupunta sa BRP Sierra Madre (LS-57) sa Ayungin Shoal sa  WPS  dahil sa security reasons.   […]