3 binitbit sa P68K shabu, baril sa Valenzuela
- Published on September 5, 2022
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng baril at P68K halaga ng shabu nang maaresto sa buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Kinilala ni PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga naarestong suspek bilang sina Jonathan Awud alyas “Tutan”, 34, Ronie Diaz alyas “Nuno”, 34, at Richard Rivera, 24, pawang residente ng Brgy., Mapulang Lupa.
Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PEMS Restie Mables ng buy bust operation sa 6356 CF Natividad St. Brgy. Mapulang Lupa kung saan nagawang makipagtransaksyon ni PCpl Noriel Boco na umakto bilang poseur-buyer ng P500 halaga ng droga kay Awud at Diaz.
Matapos tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad lumapit ang back up na mga operatiba saka inaresto nila ang mga suspek subalit, pumalag si Awud at tinangkang tumakas.
Hinabol siya ng mga operatiba hanggang sa makorner at maaresto habang dinakip din si Rivera matapos makuhanan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000.00, buy bust money, cellphone, P300 recovered money, isang cal. 38 revolver na may dalawang bala, belt bag at coin purse.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagang kasong paglabag sa RA 10591 at Art 151 of RPC ang kakaharapin ni Awud. (Richard Mesa)
-
NBA legend Yao Ming nagbitiw na bilang CBA head
NAGBITIW na bilang namumuno Chinese Basketball Association (CBA) si NBA legend Yao Ming. Sinabi nito na sa pitong taon niyang pamumuno ay hindi naging maganda ang performance ng nasabing national team. Nananatiling sikat ang larong basketball sa China kahit na noong ito ay nagretiro na sa paglalaro sa Houston Rockets noong […]
-
Catriona, magpapasaklolo sa NBI hinggil sa ‘nude pics’ issue
Nakatakdang dumulog ngayong hapon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) si 2018 Miss Universe Catriona Gray. Sa nakuhang impormasyon mula sa NBI posibleng maghahain ng reklamo si Catriona sa NBI-Cyber Crime Division. Kasunod umano ito sa mga malalaswang larawan nito na nagkalat sa social media na mariin niyang itinangging siya ito […]
-
Panukalang trials ng face-to-face classes, tinanggihan ni PDu30
TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang trials ng face-to-face classes. “Nagdesisyon na ang Presidente ha: wala pa rin po tayong face-to-face classes sa bansa,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Sec. Roque na sinabi sa kanya ng Pangulo nang magkausap sila kagabi na ayaw nitong malagay sa panganib ang […]