• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 days bakunahan umarangkada na

Sa kabila na kulang ng may 51,000 volunteers ay handa na ang gobyerno sa tatlong araw  November 29-Dec 1) na national vaccination drive na umarangkada na.

 

 

Sinabi ni National Task Force Against Covid-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. na ready to roll out na ang bakunahan na tatagal hanggang Dis­yembre 1.

 

 

Mayroon umano silang halos 18,000 volunteers at nangako na rin ang ilang ahensiya ng gobyerno na tutulong ang kanilang mga personnel.

 

 

Nasa 38 milyon doses ng bakuna ang nakalatag para sa tatlong araw na vaccination kontra COVID-19.

 

 

Ayon kay vaccine czar at NTF chief Implementer Carlito Galvez, target ng gobyerno na makapagbakuna kada araw ng 9 milyon kaya sobra-sobra ang bakuna. Magsisilbing vaccination sites ang mga simbahan at eskuwelahan.

 

 

Paliwanag pa ni Gal­vez, nabisita na rin nila bilang preparasyon ang ibat ibang ahensiya ng gobyerno sa Region 4A at Region 3.

 

 

Handang-handa na rin umano ang NTF, NGOs, volunteers para sa ikatatagumpay ng vaccination days na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan”.

 

 

Samantala, aabot sa 37 Medical team ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang idedeploy sa mga liblib na lugar kaugnay pa rin ng 3 araw na vaccination day.

 

 

Ayon kay Col. Fatima Claire Navarro, AFP Surgeon General, tutulong sila sa pagbabakuna sa GIDAS (Geographically Isolated and Disadvantaged Areas) o yaong mga mahihirap marating tulad ng mga isla, kabundukan at mga komunidad ng IPs (Indigenous Peoples) o mga katutubo.

 

 

Aniya, importanteng maipaliwanag sa mga ka­tutubo ang kahalagahan ng bakuna sa kanilang proteksyon. (Gene Adsuara)

Other News
  • Viral ang TikTok video na naghuhugas ng kamay habang kumakanta… JULIA, pinuri ang kaseksihan at mala-Marilyn Monroe ang pag-awit

    VIRAL ang TikTok video ni Julia Barretto na kung saan suot niya ang sexy dress habang naghuhugas ng kamay at kumakanta ng ‘Happy Birthday’, na katumbas ng 20 seconds.   Caption ni Julia, “Wash your hands. Do the happy birthday challenge.’ May nag-react din na hindi tama na iniwang nakabukas ang gripo kaya tuloy-tuloy ang […]

  • Notice to the Public

    We would like to inform the public that Ms. Weng Visagar is no longer connected with People’s Balita. Any advertising/legal notices transactions from her will no longer be valid.

  • ‘3-way race’ sa presidency, malabo na – analyst

    HINDI NA umano posibleng mangyari na magkaroon ng tatlong nangungunang magla­laban sa “presidential race” may dalawang linggo bago ang halalan, ayon sa analyst na si Dindo Manhit ng Stratbase ADR Institute research firm.     Sinabi ni Manhit na nakitaan ng pagbaba ng kanilang numero ang ibang mga kandidato mula noon pang Pebrero kaya hindi […]