• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 disqualification case at 1 petisyon para sa kanselasyon ng CoC ni Marcos, ibinasura ng Comelec

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang mga petisyon ng mga petitioner para baligtarin ang pagbasura sa mga kaso laban sa kandidatura sa pagkapangulo ni Presidential aspirant Bongbong Marcos.

 

 

Sa botong 6-0-1 ay pinagtibay ng komisyon ang pagbasura sa apat na disqualification cases laban sa dating senador.

 

 

Kabilang sa mga bumoto para ibasura ang petisyon ay sina Commisioners Aimee Neri, Aimee Ferolino, Socorro Inting, Rey Bulay at Chairman Saidamen Pangarungan.

 

 

Nag-inhibit naman dito si Commissioner George Garcia na dating counsel ni Marcos sa kanyang poll protest sa pagka-bise presidente noong 2016 elections.

 

 

Ipinaliwanag ng komisyon na nabasura ang mga motions for reconsideration ng mga petitioners dahil bigo umano ang mga itong maglahad ng bagong argumento para kumbinsihin ang poll body na baliktarin ang naunang desisyon para na baliktarin ang petisyon laban kay Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Kaya tinanggap agad ang movie with Gerald: KYLIE, ‘di itinanggi na dumaan din sa mental health issue

    MATAPANG na tumatalakay sa isyu ng mental health at suicide ang isa sa official entry sa Summer Metro Manila Film Festival na “Unravel” mula sa MavX Productions at kunsaan, kinunan buo sa Switzerland.       First time na pinagtatambalan ito nina Kylie Padilla at Gerald Anderson. At hindi itinanggi ni Kylie na siya mismo, […]

  • Para sa isang awitin na “Ready”: STELL, super excited sa collaboration ng SB19 at ni Apl.de.Ap.

    KAHIT na naging busy sa kanilang showbiz careers, naging matiyaga sa kanilang pag-aaral ang mga Kapuso stars na sina Lianne Valentin at Shaira Diaz.         Kaya naman natapos nila ang kanilang kurso sa kolehiyo at certified graduates na sila.         Sa kanyang Instagram, nag-share si Lianne ng ilang clip […]

  • OCCUPANCY RATE SA MGA OSPITAL AT QUARANTINE FACILITIES SA MAYNILA, BUMABABA

    BUMABA ang “occupancy rate” sa quarantine facilities at mga district hospital na pinapatakbo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila matapos na buksan sa publiko ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Rizal Park .     Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 24% na lamang ang occupancy rate sa anim na […]