3 drug suspect tiklo sa buy bust sa Caloocan, Valenzuela
- Published on October 22, 2021
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P.3 milyon halaga ng droga ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Valenzuela Cities.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., ang pagkakaaresto kay Victor Alferez Jr. alyas “Noy”, 21, at Zaldy Geroso, 38, kapwa ng Brgy. 178, Camarin ay resulta ng isang linggong validation na isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) matapos ang natanggap na ulat mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.
Ani Col. Mina, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ng buy-bust operation sa Langka St., Brgy. 178 kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P8,500 halaga ng droga.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 45 grams ng hinihinalang shabu na nasa P306,000 ang halaga, at buy-bust money na isang tunay na P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money.
Sa Valenzuela, natimbog din ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela Police si Francisco Balila sa buy-bust operation sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa Sugar St., Llenado Subd., Brgy., Karuhatan dakong alas-6 ng Huwebes ng umaga.
Nakuha sa suspek ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, P500 buy-bust money, P500 cash at plastic case. (Richard Mesa)
-
Pinoy na nagsisimba linggo-linggo 38% lang — SWS survey
BAGAMA’T 70% ng mga Katolikong Pilipino ang nagdarasal ng hindi bababa sa isang beses sa isang araw, kakarampot lang ang dumadalo sa pagsamba linggo-linggo, ayon sa panibagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS). ‘Yan ang resulta ng poll ng SWS na ikinasa mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre 2022 na siyang […]
-
IRR ng Maharlika fund, isinapinal na-PBBM
ISINAPINAL na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF), isang linggo matapos na suspendihin ang implementasyon nito. “The Investment Rules and Regulations of Maharlika Investment Fund have been finalized,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang Instagram. “Upon our approval, we’ll swiftly establish the corporate structure, […]
-
Pag-import ng 300K MT ng asukal, tinanggihan ni Pangulong Marcos
TINANGGIHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala na mag-angkat ng karagdagang 300,000 metriko tonelada (MT) ng asukal. Ito ang inihayag kahapon Press Secretary Trixie Cruz-Angeles matapos mapaulat ang pahayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica noong nakaraang linggo na plano ng gobyerno na mag-import ng nasa 300,000 MT ng […]