3 drug suspects nadakma sa buy bust sa Malabon, Valenzuela
- Published on December 18, 2021
- by @peoplesbalita
KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bebot matapos madamba sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albet Barot ang naarestong mga suspek na sina Dan Patrick Lumagbas alyas “Bimboy”, 24, ng Dagat-dagatan Brgy. Longos at Mary Berjolie Vicente alyas “Em”, 18 ng Purok 6, Dulong Hernandez, Brgy. Catmon.
Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, dakong alas-5:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Hasa-Hasa St., Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang police poseur-buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 7.80 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P53,040, buy bust money at cellphone.
Sa Valenzuela, natimbog din ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela police sa pamumuno ni PLT Joel Madregalejo si Antonio Doon sa buy bust operation sa Sugar St., Llenado Subd., Brgy. Karuhatan dakong alas-3:30 ng madaling araw.
Nakuha sa kanya ang apat na plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu, P500 buy bust money, P300 cash, cellphone at pouch.
Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
May naglalabasang hiwalay na… BEA, dapat siguraduhin ang pre-nup agreement sakaling matuloy pa ang kasal kay DOMINIC
NAGLABASAN ngayon ang kung anu-anong dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang kasalang Bea Alonso at Dominic Roque. May mga pahaging si Bea tungkol pa rin dito pero wala pa ring pormal na pahayag ang kapuso aktres. Maging si Dominic ay Hindi pa rin naman itinanggi o inamin ang isyu. Pero anuman ang dahilan ay […]
-
P120 MILYON POULTRY, SEAFOODS PRODUCT, NASABAT NG BOC
AABOT na P120 milyong halaga ng poultry,seafood products ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) sa serye ng isinagawang pagsalakay sa pitong bodega sa Navotas City kamakailan. Katuwang ng BOC SA pagsalakay ang Investigation Service at the Manila International Container Port (CIIS-MICP), Department of Agriculture-Inspectorate and Enforcement Office (DA-IE), National Meat Inspection Service […]
-
PILIPINAS SA ASEAN, PANGATLO SA VACCINATION ROLL
PUMAPANGATLO ang Pilipinas sa ASEAN countries pagdating sa vaccination roll out ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH). Sa media forum ng DOH, sinabi Dr.Myrna Cabotaje, head ng vaccine cluster ng ahensya na umabot na sa 1,456,793 ang nabakunahan nang Sinovac at AstraZeneca. Pangatlo ang Pilipinas sa Indonesia at Singapore […]