3 drug suspects nadakma sa buy bust sa Malabon, Valenzuela
- Published on December 21, 2021
- by @peoplesbalita
KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bebot matapos madamba sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albet Barot ang naarestong mga suspek na sina Dan Patrick Lumagbas alyas “Bimboy”, 24, ng Dagat-dagatan Brgy. Longos at Mary Berjolie Vicente alyas “Em”, 18 ng Purok 6, Dulong Hernandez, Brgy. Catmon.
Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, dakong alas-5:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Hasa-Hasa St., Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang police poseur-buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 7.80 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P53,040, buy bust money at cellphone.
Sa Valenzuela, natimbog din ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela police sa pamumuno ni PLT Joel Madregalejo si Antonio Doon sa buy bust operation sa Sugar St., Llenado Subd., Brgy. Karuhatan dakong alas-3:30 ng madaling araw.
Nakuha sa kanya ang apat na plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu, P500 buy bust money, P300 cash, cellphone at pouch.
Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Proud si Lea na siya muna ang hahalili sa ‘Here Lies Love’: VINA, natupad na ang dream na makapag-perform sa Broadway
NATUPAD na ang dream ni Vina Morales na makapag-perform on Broadway dahil sa pinag-uusapang hit musical ngayon na ‘Here Lies Love’. Gagampanan ni Vina ang role bilang Aurora Aquino. Si Lea Salonga ang original na gumanap as Aurora Aquino sa naturang first all-Filipino cast on Broadway. The producer of […]
-
DENNIS, parang winner sa rami ng bumati at nakapagpapirma pa kay BONG JOON HO; JOHN, wagi ng Volpi Cup for Best Actor sa ‘ 78th VIFF’
SI John Arcilla ang tinanghal na Best Actor at ginawaran ng Coppa Volpi (Volpi Cup) sa katatapos na 78th Venice International Film Festival sa Venice, Italy. Hindi naka-attend si John sa filmfest pero ang Kapuso Drama Actor na si Dennis Trillo na nominated ding Best Actor sa On The Job: The Missing 8 ang […]
-
MMDA: LGUs sa MM magpapatupad ng 7:00 hanggang 4:00 working hours
SIMULA ngayong Lunes ang mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ay magpapatupad ng 7:00 sa umaga hanggang 4:00 ng hapon ang working hours na pinagtibay ng isang Metro Manila Council (MMC) resolusyon na may petsang Feb. 28, 2024. Ayon sa MMDA mula sa kabuohang 645,000 na empleyado ng pamahalaan sa […]