May 1 pang dapat gawin para makalaro si Abueva
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
KINUMPLETO na lahat ni Calvin Abueva ang requirements sa kanya ng Philippine Basketball Association o PBA upang maalis ang indefinite suspension na nagsimula noon pang Hunyo 2019.
Pero may isang kailangan pang tuparin o isagawa ang PBA star, na pinagkakatanggi-tanggi lang kamakalawa ni professional league Commissioner Wilfrido (Willie) Marcial kung ano pa ang bagay na iyon.
Pero sa kabila noon, may pag-asa nang makalaro ang The Beast sa 45 th PBA Philippine Cup 2020 elimina- tions restart sa Clark Freeport Economic Zone bubble sa Angeles City, Pampanga sa Linggo, Oktubre 11.
Nasa bubble na rin si Abueva, kabilang official lineup ng Phoenix Super LPG Fuel Masters. Dapat niyang gawin o sundin ang requirement para maalis ang asterisk sa pangalan niya sa listahan.
Sapagkat kung hindi, malamang na sa kuwarto lang ng delegasyon ng liga sa Quest Hotel niya panonoorin ang mga laro ng kakampi niya sa liquified petroleum gas.
Sumailalim na rin ang 32-taong-gulang, may taas na 6-2 at tubong Angeles, Pampanga sa online seminar sa Code of Conduct of a Professional Player and Gender Sensitivity Issues ng Games and Amusements Board o GAB para maibalik ang kanyang profes- sional playing license.
Kabit-kabit ang ang mga kasalanan ni Phoenix forward da unang Asia’s play-for-pay hoop bago hinambalos ni Marcial indefinite suspension sa nakaraang taon.
Pinakitaan niya nang kabastusan at pinagsalitaan ng hindi maganda ang dyowa ni Bobby Ray Parks. Jr. sa laro ng Phoenix at Blackwater. Sa next game ng team niya, binigyan ni Abueva ng matinding clothesline si TNT import Terrence Jones.
Pagkapataw nang walang katiyakang ban sa kanya ng PBA, inakusahan naman siya ng asawang si Salome Alejandra (Sam) Abueva ng physical at sexual harassment. Nagkaayos naman pagkaraan ang mag-asawa at nagbalikan na.
Dapat ding magpa-mandatory drug test na na parte ng medical requirements ang basketbolistang standout ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) mula sa San Sebastian Golden Stags kung gusto pa niyang makabalik-liga. (REC)
-
P275-B Maharlika Wealth Fund target maipasa bago mag ‘Christmas break’ ang Kamara – Salceda
KINUMPIRMA ni House Ways and Means Committee Chair at Albay Representative Joey Salceda na target nila na maipasa ang panukalang P275- billion Maharlika Wealth Fund bago mag Christmas break ang House of Representatives sa December 17. Ayon sa economist solon, ang MWF ay makakatulong para mas mapalaki ang investment opportunity ng pamahalaan. […]
-
Mga nabakunahang OFWs sa Pinas makakapasok na ng Hong Kong simula Aug. 30
Papayagan nang makapasok sa Hong Kong mula Agosto 30 ang mga manggagawang Pilipino na nabakunahan sa Pilipinas kontra COVID-19, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III. Pumayag na kasi aniya ang Hong Kong na tanggapin ang maipapakitang vaccine cards ng mga OFWs mula sa Bureau of Quarantine ng Pilipinas. Tinatayang aabot […]
-
Yorme Isko ‘di aatras sa presidential race
TAHASANG itinanggi ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno na isa siya sa dalawang presidentiable na aatras sa kandidatura kasabay ng paggiit na marami na ang mga botante na lumilipat sa kaniya. “’Di ako susuko, ‘di natin susukuan ang taumbayan, ‘di natin susukuan ang sitwasyon,” saad ni Moreno makaraan ang pakikipagpulong kay La […]