• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 drug suspects nalambat ng Malabon police sa buy bust

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Joana Pabito, 48, Angelito Pabito alyas “Bugoy”, 48 at Raquel Pelijates, 52, pawang residente ng Brgy. Longos.

 

 

Sa report ni Col. Daro kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Alexander Dela Cruz ng planned buy-bust operation sa Alupihang Dagat Brgy. Longos matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.

 

 

Matapos tanggapin ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 16.45 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P111, 860.00, buy bust money, cellphone at coin purse.

 

 

Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale)  in relation to Section 26 (Conspiracy) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Art II of RA 9165 (Otherwise Known as Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Singil ng kuryente para sa buwan ng Hulyo, ibinababa ng Meralco

    NAG-ANUNSYO ang Meralco ng pababang pagsasaayos sa mga singil sa kuryente para sa Hulyo, kasunod ng mga sunod-sunod na buwan ng pagtaas, habang bumababa ang mga singil sa generation at transmission period.     Sa isang advisory, sinabi ng Meralco na ibababa nito ang rates ng P0.72 kada kilowatt-hour (/kWh), na magdadala sa kabuuang rate […]

  • One dose vaccine, bakunang gagamitin sa mga Pinoy seafarers- NTF against COVID 19

    SINASABING one shot vaccine ang rekomendado nina vaccine czar secretary Carlito Galvez jr na iturok para sa mga Pinoy seafarers.   Sinabi n Galvez, kanila itong naikunsidera lalo na’t biglaan ang pagsampa ng mga ito sa barko.   Aniya, nakita nilang  pinaka-convenient para sa mga seafarers ay ang Johnson & Johnson.   Maliban dito ay […]

  • Gilas Pilipinas nanatili pa rin sa No. 31 sa world rankings – FIBA

    Hindi nabago ang puwesto ng Pilipinas sa ika-31 sa buong mundo sa FIBA World rankings matapos ang Tokyo Olympics.     Batay sa latest FIBA report ang Gilas Pilipinas ang ika-anim na best team sa Asia-Pacific kung saan nangunguna ang Australia na nasa No. 3 sa buong mundo.     Nagbigay naman bigat sa puwesto […]