3 huli sa aktong bumabatak ng shabu sa Valenzuela
- Published on February 9, 2023
- by @peoplesbalita
TATLO, kabilang ang 20-anyos na bebot ang arestado matapos mahuli sa aktong mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng kanilang lungga sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Sub-Station 6 Commander PCPT Manuel Cristobal ang naarestong mga suspek bilang sina Manuelito Lopez, 47, construction worker, Yazzer Tizon, 36, kapwa ng Valenzuela City at Rocel Coronel, 20 ng Meycuayan, Bulacan.
Sa report ni PSSG Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-12:45 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng SS6 sa pangunguna ni PMSg Roberto Santillan, kasama sina PSSg Joel Carorocan, at PCpl Bryan Jay Bagtas sa Block 6 C. Molina Street, Brgy., Veinte Reales.
Dito, naaktuhan nila ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng kanilang lungga na isang butas sa pader na simento na naging dahilan upang arestuhin sila ng mga pulis.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang unsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P680,00 ang halaga at mga drug paraphernalias.
Ani PSSG Nerit, paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia) at Section 15 (Use of Dangerous Drugs) under Article II of RA 9165 ang kanilang isasampang kaso laban sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)
-
Malakanyang, ipinag-utos ang suspensyon ng pagtataas sa insurance premiums ng PhilHealth, pagtataas sa sahod
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang suspensyon ng bagong premium contribution rates ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ang income ceiling para ngayong taon ng 2023. Ang katuwiran ni Executive Secretary Lucas Bersamin, patuloy pa rin kasing nakikipagpambuno ang mga Filipino sa mga economic challenges sanhi ng COVID-19 pandemic. […]
-
“DUNGEONS & DRAGONS” GETS 100% FRESH RATING, HOLDS SNEAK PREVIEWS MAR 20 & 21
DAYS after its sensational premiere at the SXSW Festival where it captivated fans and critics, Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves will have a two-day special sneak previews in cinemas nationwide this coming Monday & Tuesday, March 20 & 21. Check out your favorite theaters for the screening schedule and admission prices. Catch these […]
-
DFA, nangakong bibigyan ng maximun protection’ ang mga Pinoy sa Kuwait
BINIGYANG diin ng Department of Foreign Affairs na bibigyan ng “maximum protection” ang mga Pilipinong nasa Kuwait. Ito ay upang maibsan ang pag-aalala ng migrant community sa Gulf nation kasunod ng biglaang pagsususpinde ng mga bagong entry visa para sa mga Filipino. Ayon sa tagapagsalita ng DFA na si Tessie Daza […]