• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas maraming taong makalabas ng bahay, pinagayan na ng gabinete –Palasyo

KINUMPIRMA ng Malacañang na mas maraming tao na ang pinapayagan ng gabinete na makalabas mula sa kanilang mga bahay bilang bahagi ng pagbuhay sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, inaprubahan sa full-Cabinet meeting kagabi ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa expansion ng age group na papayagang makalabas gaya ng mga nasa edad 15 hanggang 65.

 

Magugunitang dati ay bawal lumabas ng bahay ang mga edad 21 pababa at 60-anyos pataas, kabilang na ang mga buntis, mga may immu- nodeficiency, comorbidity o iba pang health risks.

 

Maliban dito, suportado rin ng gabinete na paikiliin o bawasan ang curfew hours at multiple work shifts para dumami ang mga manggagawa at mamimiling mag-aambag sa paglago ng ekonomiya at gradual expansion ng business capacity sa 75 hanggang 100 porsyento.

Other News
  • Gobyerno, binatikos ang US report ukol sa human rights situation sa Pinas

    KINASTIGO ng gobyerno ang pinagsama-samang report ng US State Department hinggil sa human rights situation sa buong bansa kabilang na ang extensive entry sa Pilipinas.     Sinabi ni Communications Secretary at acting presidential spokesperson Martin Andanar na ang findings o natuklasan sa Pilipinas sa 2021 Country Reports on Human Rights Practices ay “ nothing […]

  • Ads April 26, 2023

  • 20-M mga Pinoy, walang kakayahang magpakabit ng internet – study

    AABOT  sa 20 milyong mga Pilipino ang nagsabing wala silang kakayahang mag-avail ng internet nang kahit 1 gigabyte lamang kada buwan.     Ito ang resulta ng isang pag-aaral na isinagawa ng World Data Lab on the Internet Poverty Index kung saan sumampa sa pang-16 na puwesto ang Pilipinas sa 166 na mga bansa na […]