• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 HULI SA AKTONG NAGSA-SHABU

KULONG ang tatlong sangkot umano sa illegal na droga kabilang ang isang bebot matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa Caloocan city.

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Pibrico Lunday, 27, Jeffrey Milanes, 37, at Khim Claire Vergara, 20, pawang ng East Libis St. Brgy. 160 ng lungsod.

 

Alas-4:15 ng madaling araw nang respondehan ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 6 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Brian Ramirez ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa Blk 4 East Libis St. Brgy. 160.

 

Pagdating sa lugar, nakita ng mga pulis ang mga suspek na sumisinghot ng shabu subalit, nang mapansin ng tatlo ang pagdating ng mga parak ay tinangka ng mga ito na tumakas.

 

Gayunman, nagawang silang maaresto nina PCpl Sherol De Vera at PCpl Joseph Suriaga kung saan nakumpiska sa kanila ang aabot sa 18.7 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P120,000 ang halaga at drug paraphernalias.

 

Kakasuhan ng pulisya ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Dating kagawad tinodas ng riding in tandem sa Malabon

    Dedbol ang isang negosyante na dating barangay kagawad matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Ricky Legaspi, 51 at residente ng Adante […]

  • NET 25, patuloy ang paghataw ngayong 2023: Bagong ‘Oppa ng Bayan’ na si DAVID, bibida sa sitcom na ‘Good Will’

    ANO nga ba ang tunay na kahulugan ng mana?  Ito ba’y nasusukat lamang sa yaman o dami ng ari-arian? Sapat na ba ito para mabuhay nang ‘happy ever after?’ O meron bang mas makahulugang aral na hihigit pa sa makamundong pamumuhay? Meron nga bang kaligayahang hindi mabibili o matutumbasan ng salapi? Ito ang kuwento ni […]

  • Bulacan, inilawan ang LED Christmas Tree

    LUNGSOD NG MALOLOS – Isang mas maliwanag na panahon ng Kapaskuhan ang naghihintay sa mga Bulakenyo dahil sa nakatakdang pag-iilaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Christmas Tree na puno ng Light Emitting Diodes (LED) kahapon Nobyembre 24, alas-6:00 ng gabi sa harap ng gusali ng Kapitolyo dito.     Tinaguriang “Pag-iilaw ng Krismas Tree […]