• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police ang naarestong mga suspek na sina Jayson Abucot, 41, construction worker, Jonathan Pusing, alyas “Atan”, 36, pedicab driver, at Josie Santos, 21, pawang ng Pinalagad Brgy., Malinta.

 

 

Sa report ni PSMS Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-4 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng validation sa Area 1 Pinalagad, Brgy., Malinta, matapos ang natanggap na ulat mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activities sa lugar.

 

 

Dito, naaktuhan ng mga operatiba ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang walang numerong bahay na naging dahilan upang sretuhin ang mga ito.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P20,400, isang unseald transparent plastic sachet, cellphone at ilang drug paraphernalia.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Nationwide issuance ng 10-year drivers’ licenses nakatakda sa Disyembre

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nangako ang Land Transportation Office (LTO) na sisimulan na nito ang nationwide issuance ng drivers’ licenses na mayroong 10-year validity sa buwan ng Disyembre ngayong taon.   “By December 2021, the LTO commits that all its offices nationwide will be issuing licenses with a 10-year validity,” ayon kay […]

  • 39 MAG-ASAWA IKINASAL SA KASALANG BAYAN SA NAVOTAS CITYHOOD ANNIVERSARY

    SA isang heartwarming celebration ng pagmamahal, 39 mag-asawa ang nagpalitan ng mga pangako sa ginanap na Kasalang Bayan noong June 24, bilang bahagi ng ika-17th Navotas Cityhood Anniversary festivities.         Kabilang sa mga mag-asawang matagal nang magkasintahan ay sina Cirilo Arsenio, Jr. at Anabel Alcantara, na nagbahagi ng kanilang buhay sa loob […]

  • Kumpanyang sangkot sa oil spill, dapat magbigay din ng ayuda

    HINIMOK  ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap ang kumpanya ng lumubog na MT Princess Empress na magbigay din ng ayuda sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro.     Ayon kay Cong. Yap, “napapansin ko na pawang gobyerno lang ang nagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng oil spill at walang pakunswelo man lang ang […]