• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 kulong sa cara y cruz at shabu sa Valenzuela

TIMBOG ang tatlong kalalakihan, kabilang ang 64-anyos na lolo matapos maaktuhan ng mga pulis na naglalaro ng illegal na sugal kung saan isa sa kanila ang nakuhanan pa ng shabu sa Valenzuela City.

 

 

 

Sa report ni PMSg Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang Bignay Police Sub-Station 7 hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity sa Blk 2, Northville, Brgy. Bignay.

 

 

 

Kaagad namang inatasan ni SS7 Commander P/Capt. Manuel Cristobal ang kanyang mga tauhan na puntahan ang nasabing lugar para alamin ang nasabing report.

 

 

 

Pagdating ng mga pulis sa naturang lugar dakong alas-12:35 ng madaling araw, naaktuhan nila sina alyas John, 30, alyas Julius, 48 at alyas Turo, 64, pawang residente ng Brgy. Bignay naglalaro ng ‘cara y cruz’ na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

 

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong one-peson coin na gamit bilang ‘pangara’, at P550 bet money sa magkakaibang denomation habang nakuha naman kay ‘John’ nang kapkapan ang apat na transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4,760.

 

 

 

Ayon kay Capt. Cristobal, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 habang karagdagan kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin pa ni ‘John’. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads October 27, 2021

  • Dating Commissioner ng NYC, itinalaga bilang Ass. Secretary ng DOLE

    ITINATALAGA bilang bagong Assistant Secretary ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang dating Commissioner ng National Youth Commission Victor Del Rosario.   Si del Rosario ay nanumpa kay DOLE Secreatary Silvestre Bello III bilang bagong assistant secretary ng labor department.   Pinasalamatan naman ni del Rosario sa pagtitiwala sa kanya nina Pangulong Duterte at […]

  • ILANG KALSADA, NA NAAPEKTUHAN NG LINDOL BINUKSAN NA NG DPWH

    BINUKSAN na sa mga motorista ng  Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilang mga pangunahing kalsada) matapos maapektuhan ng 7.3 magnitude quake kahapon sa  Cordillera Administrative Region (CAR)  Ilocos Region .     Simula kaninang alas 6:00  ng umaga ay madadaanan na ilang mga kalsada ayon na rin sa ulat mula sa DPWH […]