• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating Commissioner ng NYC, itinalaga bilang Ass. Secretary ng DOLE

ITINATALAGA bilang bagong Assistant Secretary ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang dating Commissioner ng National Youth Commission Victor Del Rosario.

 

Si del Rosario ay nanumpa kay DOLE Secreatary Silvestre Bello III bilang bagong assistant secretary ng labor department.

 

Pinasalamatan naman ni del Rosario sa pagtitiwala sa kanya nina Pangulong Duterte at Sen. Christopher Go.

 

Sa kanyang panunumpa, sinabi ng bagong opisyal na kanyang bibitbitin ang malasakit sa mga kabataan pati na rin ang mga sektor na nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya.

 

Bukod dito, isusulong din aniya ang interes at kapakana ng mga manggagawang Filipino sa gitna ng pandemya.

 

Una nang itinalaga ng Pangulo bilang miyembro ng Appeals Committee ng MTRCB si del Rosario. (Gene Adsuara)

Other News
  • ‘2nd middleman’ sa Percy Lapid slay, bantay-sarado ng BJMP

    KINUMPIRMA  ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa kustodiya nila ang isa pang “middleman” sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at bantay-sarado na nila ito.     Ayon kay BJMP chief Director Allan Iral, naka-isolate na sa isang jail facility sa Metro Manila ang middleman na may drug charges para […]

  • 3 sugatan sa saksak at bala sa Malabon

    Tatlong katao kabilang ang 16-anyos na binatilyo ang sugatan matapos ang magkahiwalay na insidente ng pananaksak at pamamaril sa Malabon city.     Sa imbestigasyon, dakong 11:30 ng gabi, nasa loob ng computer shop ang biktimang itinago sa pangalang “Randy” at ang suspek na menor-de-edad din sa 8th St., Block 4 Lot 11, Brgy. Tanong nang […]

  • Mga advocacy groups tutol sa pagtatayo ng P95B Pasig River Expressway

    Maraming advocacy groups ang tutol sa pagtatayo ng P95 Billion na Pasig River Expressway (PAREX) na siyang tinutulak ng San Miguel Corp. (SMC).     Isa na rito ang advocacy group na AltMobility PH na siyang nagsabing mas magiging malala ang kondisyon ng trapiko sa Metro Manila kaysa mababawasan ito.     “In order for […]