• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 KULONG SA P.6M HALAGA NG DROGA SA CALOOCAN

Tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng pulisya ng halos P.6 milyon halaga ng illegal na droga sa magkahiwalay na operation sa Caloocan city.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nakatanggp ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umanoy’ illegal drug activities ni Orlando Domalaon, 52, construction worker ng Sto. Niño Area D, Camarin, Brgy. 178.

 

 

Matapos ang isang linggong validation ay nakumpirma na tama ang impormasyon kaya’t agad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo ng buy bust opereation sa Pili St., Brgy.178, dakong 1 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaarestro kay Domalaon.

 

 

Nakumpiska sa kanya ang nasa P40 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P272,000 ang halaga at buy bust money na binubuo ng isang P500 bill at 6 pirasong P1,000 fake/boodle money.

 

 

Dakong 11:15 naman ng gabi nang maaresto ang tricycle driver na si Roberto Roque Jr., 27, ng 40 Masaya St. RP Gulod Novaliches Quezon City matapos tangkain takbuhan ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 12 na nagsasagawa ng check point sa kahabaan ng Phase 9, Langit Road corner Lacson Road, Bagong Silang sa pangunguna ni PLT Mel Soniega, PLT John Sadorra at NPD-DMFB sa pangunguna ni PLT Jerry Terte habang sakay ng isang motorsiklo at isa pang hindi kilalang kasama nito na nagawang makatakas.

 

 

Narekober ng mga pulis ang eco bag na nahulog mula sa motorsiklo ng mga suspek na naglalaman ng isang block na nasa 1,000 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon with fruiting top ng marijuana na tinatayang nasa P120,000 ang halaga.

 

 

Natimbog din ng mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station si Janice Espiritu , 37 matapos makuhanan ng nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasaP 204,000 ang halaga makaraang tumakbo nang sitahin ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Magaling Street Brgy. 145 dahil walang suoit na face mask dakong 3:20 ng madaling araw. (Richard Mesa)

Other News
  • P5.1M HALAGA NG SHABU, NASABAT NG BOC

    TINATAYANG nasa P5.1 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride na karaniwang kilala sa tawag na “Shabu” ang nasabat, habang dalawang claimant ang nasakote matapos ang matagumpay na anti-drug interdiction operation na pinagsama-samang isinagawa ng Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa Central Mail Exchange Center noong […]

  • PDu30, gustong mag-alok ng COVID-19 vaccines sa mga Odette evacuation sites

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga awtoridad na mag-alok ng COVID-19 vaccines sa mga evacuation sites kung saan libo-libong mga survived typhoon Odette ang nananatiling namamalagi roon.     Tinatayang may 339,000 katao ang nananatiling nasa evacuation centers o namamalagi roon kasama ang kanilang mga kamag-anak ng may isang buwan matapos na manalasa […]

  • ‘Online Simbang Gabi’, hikayat ng DOH sa publiko para iwas COVID-19

    Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na dumalo na lang ng online masses ngayong nagsimula na ang panahon ng tradisyunal na Simbang Gabi.   “As much as possible, reduce contact rate or avoid exposure to the virus by attending online masses instead of in-person gathering,” ayon sa health advisory ng ahensya.   Aminado […]