• June 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 LRT 2 stations binuksan

Binuksan noong January 24 ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ang 3 stations na sinarahan dahil sa naganap na sunog noong October 2019.

 

Ang nasunog na 3 stations ay ang Santolan, Katipunan at Anonas. Ang 3 stations ay sinarahan dahil sa nasunog na dalawang (2) power rectifiers o transformers.

 

Ang sunog ay nagsimula ng ang transpormer na nakalagay sa pagitan ng Anonas at Katipunan stations ay pumutok at sumabog at dahil ang mga transpormers ay “work in series,” ang transpormer sa Santolan depot ay nasunog din.

 

Natagalan ang ginawang repairs sapagkat ang mga parts ay kinaha pa sa France, United Kingdom, at Japan. Ang mga parts ay hindi mga off-the-shelf-items dahil kinakailangan pa itong customized sa systems ng LRT 2.

 

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesman Hernando Cabrera, naglaan sila ng P430 million upang palitan at ma restore ang LRT 2 sa kanyang full operation capacity. Kasama na rito ang importations, installations at commissioning.

 

Ibinalita nama ng Department of Transportation (DOTr) na ang LRT 2’s East Extension project na Marikina at Antipolo ay magiging operational sa darating na April 26.

 

Ang project proponents sa LRT Line 2 Extension ay ang D.M. Consunji Inc. at ang Marubeni Corp. at ang kanilang aid parter ay ang Japan International Cooperation Agency (JICA).

 

Ang LRT 2 na magkakaron ng karagdagan dalawang (2) stations ay makakatulong upang mabawasan ang travel time mula Recto Avenue sa Manila papuntang Masinag sa Antipolo at ito ay magiging 40 minuto na lamang mula sa tatlong (3) oras na pagbibiyahe.

 

Kung mabubuksan ang Marikina at Antipolo stations, ito ay makapagsasakay ng  ng karagdagang humigit kumulang  na 80,000 na pasehero mula sa ngayon na 240,000 na pasahero kada araw. (LASACMAR)

Other News
  • Ads January 22, 2020

  • DAYUHAN NA HINDI MAKAPASOK NG BANSA MAAARING HUMINGI NG EXEMPTION SA NTF

    KLINARO ng Bureau of Immigration (BI) na ang isang dayuhan na hindi makapasok sa bansa dahil sa umiiral na travel restrictions ay maaring humingi ng exemption  mula sa National Covid Task Force Against Covid-19 (NTF) kung  emergency o humanitarian reasons.       Sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, klinaro nito na ang entry […]

  • JOHN, nagsabing pagbigyan sina DEREK at ELLEN kung happy sila together

    NATANONG si John Estrada tungkol sa katambal niyang si Ellen Adarna sa isang sitcom na gagawin nila, ang John en Ellen sa TV5 at sa best friend niyang si Derek Ramsay na diumano ay nagkakamabutihan na ngayon ang dalawa.   “Derek is like a brother to me.  Kilala ko siya, he is not playboy,” sagot […]