• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 magnanakaw ng motorsiklo arestado sa Navotas

Arestado ang tatlong hinihinalang magnanakaw ng motorsiklo habang inuumpisahan na umanong katayin ang ninakaw na motorsiklo sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Raymond Rey, 36, Marvin Villamor, 24 at Jerwin Tadim, 22, pawang scavengers at mga residente ng Permanent Housing in Brgy. 128, Balut, Tondo, Manila.

 

Ayon kay Col. Balasabas, dakong 2 ng madaling araw nang madiskubre ng factory worker na si Juvanie Lastimozo, 29, na ang kanyang kulay pulang Sym Bonus SR motorcycle na nakaparada sa harap ng kanilang bahay sa 204 Encarnacion St. Brgy. San Rafael Village ay nawawala kaya’t agad itong humingi ng tulong sa mga pulis.

 

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Kaunlaran Police Sub-Station sa pangunguna ni P/SSgt. Reyjie Gruta, kasama ang biktima sa Brgy. San Rafael Village, hanggang sa maispatan ng mga ito ang tatlong katao na sinisimulan ng katayin ang dalawang motorsiklo bandang 3 ng madaling araw.

 

Sinabi ni Lastimozo sa pulisya na isa sa dalawang motorsiklo ay ang kanyang nawawalang motorsiklo na naging dahilan upang arestuhin ng mga pulis ang mga suspek at narekober sa kanila ang mga motorsiklo, kabilang ang isang Honda Beat na may plakang P1168 JC na pinaniniwalaang ninakaw ng mga ito.

 

Sinabi ni Col. Balasabas, ang narekober na Honda Beat motorcycle ay dinala sa opisina ng Anti-Carnapping Unit para matunton ang may-ari nito habang ang mga naarestong suspek ay kinasuhan ng paglabag sa R.A 1-883 o ang New Anti-Carnapping Act  2016 sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Kumalat na pagtakbo ni KRIS next year bilang Pangulo, isang malaking ‘fake news’

    DAHIL sa pagkamatay ni former President Noynoy Aquino, kumalat sa social media ang balita na tatakbo raw na presidente si Kris Aquino next year.     Siyempre fake news iyan. Noon pa man ay sinabi na ni Kris na wala siyang balak pumasok sa politics.     If we know Kris, hindi siya tatakbo dahil […]

  • YORME ISKO NAKALABAS NA NG OSPITAL

    NAKALABAS na ng ospital si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos ang kanyang sampung araw na quarantine.     Ang alkalde ay dinala sa Sta. Ana Hospital  dahil nagpositibo sa COVID-19 kung saan nakaramdam ng mga sintomas tulad ng sipon, ubo at pananakit ng katawan.     Sa ika-limang araw nito sa ospital, nawalan ito […]

  • Kapwa Pinoy, gusto idamay ni Kai Sotto

    TILA hindi nakikita ni Kai Sotto ang sarili bilang huling Pilipinong makakakuha ng imbitasyon sa Basketball Without Borders Global Camp.   Kabilang si Sotto sa 64 na babae at lalaking manlalaro sa buong mundo ang napili upang maging bahagi ng 2020 camp kung saan itatampok ang mga manlalaro mula sa iba’t ibang bansa, ang All-Star […]