• April 1, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 MALAKING ORGANISASYON, SUMUPORTA SA ISKO-ATIENZA TANDEM

TATLONG malalaking organisasyon sa Maynila ang nagsanib puwersa upang suportahan ang  kandidatura nina dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ka-tandem na si Chie Atienza, at buong talaan ng“Yorme’s Choice” sa nalalapit na midterm elections.
Kabilang sa mga organisasyon ay ang  Kababaihan ng Maynila, Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA), at Kaagapay ng Manileño na  dinaluhan ng libo-libong mga taga-suporta sa  Ninoy Aquino Stadium.
Kumpiyansa ang dating alkalde na ang suporta ng tatong malalaking organisasyon sa kanilang buong tiket ay malaking tulong upang matiyak ang panalo sa nalalapit na halalan.
“Taos-puso ang aking paniwala, nagawa niyo na dati. Kaya niyong gawin muli,”  ayon sa  dating alkalde.
Nangako naman ang ka-tandem ni Domagoso na si Chie Atienza, anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza na na ibubuhos niya ang tulong at suporta sa liderato ni Domagoso upang maging isang mabisang bise-alkalde.
Sinabi naman ni dating 5th District Rep. Amado Bagatsing na siyang founder ng KABAKA na kaisa siya sa hangarin ni Domagoso na ibalik ang disiplina, kalinisan, at kaayusan sa Maynila. (Gene Adsuara)
Other News
  • Worst is over, best is yet to come-Diokno

    SINABI ni Finance Secretary Benjamin Diokno na habang “the global economy is likely to face a mild recession” sa  2023 matapos ang COVID-19 pandemic at pagsalakay ng Russia sa Ukraine, “the worst is over and better years are expected” para sa Pilipinas. Sa isang kalatas, sinabi ni Diokno na ang Pilipinas ay “did very well […]

  • BI naalarma sa biglaang pagtaas ng kaso ng surrogacy

    NAALARMA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado sa pagtaas ng kaso ng surrogacy sa ibang bansa.   Ito ay bunsod sa pagkakasabat ng isang biktima na tangkang umalis ng bansa na magtrabaho bilang surrrogate mother sa halagang kalahating milyon.   Ang 37 anyos na biktima ay nasabat sa Ninoy Aquino International Airport […]

  • 30-K manok sa Pampanga, isinailalim sa culling dahil sa bird flu

    Kinumpirma ng Department of Agriculture na mahigit 30,000 manok sa Central Luzon ang isinailalim sa culling.   Ito ay mtapos na maitala ang avian influenza infection sa isang farm sa bayan ng San Luis sa Pampanga.   Ayon sa ahensya, kaagad na inilibing ang mga kinatay na manok upang sa gayon ay maiwasan na ang […]