• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 mangingisda, timbog sa P142K shabu

ARESTADO ang tatlong mangingisda kabilang ang isang binatilyo na narescue sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis kung saan nakumpiska sa mga ito ang mahigit sa P142K halaga ng shabu sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Jhay Ar Miranda, 26, Edward Dizon, 26, ang isang 16-anyos na binatilyo, pawang residente sa lungsod.

 

Ayon kay P/Col. Balasabas, alas-alas-8:15 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Charlie Bontigao kontra sa mga suspek sa M. Domingo St. Brgy. Tangos North.

 

Nagawang makabili ng isang sachet ng shabu kay Miranda ng isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money.

 

Nang magkaabutan na ng bayad at droga, agad sumugod ang back-up na mga operatiba at sinunggaban ang suspek, kasama si Dizon at ang binatilyo na sinasabing umiiskor ng droga kay Miranda.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang 11 plastic sachets na naglalaman ng humigi’t-kumulang sa 21 gramo ng hinihinalang shabu na may correspondeng standard drug price na P142,800 at buy-bust money. (Richard Mesa)

Other News
  • 478K OFWs apektado ng pandemya – DOLE

    PUMALO na sa mahigit 478,000 ang overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng pandemya, ayon sa ulat.   Tinatayang 229,000 OFWs naman na ang napauwi buhat nitong October 1, batay kay Labor Secretary Silvestre Bello III.   Paliwanag ni Bello, kapag may humingi ng tulong na OFWs ay hindi na nila ito tinatanong pa kung […]

  • Malakanyang, inanunsyo ang mga bagong appointees, promosyon sa ilalim ng administrasyong Marcos

    PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno.     Sa katunayan, inanunsyo ng Malakanyang ang bagong appointees sa pamahalaan at promosyon sa military.     Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO), inanunsyo nito ang sumusunod na appointees at promosyon sa Department of Agriculture (DA) at Department […]

  • MRT-3 rehab matatapos na sa Disyembre 2021

    Magtatapos na sa Disyembre 2021 ang isinasagawang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kaya’t asahan na umano ang mas marami pang operational trains at mas mabilis na turnaround time ng rail line.     Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dahil sa rehabilitation project ay dumami ang bilang ng mga operational trains ng […]