478K OFWs apektado ng pandemya – DOLE
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
PUMALO na sa mahigit 478,000 ang overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng pandemya, ayon sa ulat.
Tinatayang 229,000 OFWs naman na ang napauwi buhat nitong October 1, batay kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Paliwanag ni Bello, kapag may humingi ng tulong na OFWs ay hindi na nila ito tinatanong pa kung ito ay documented o undocumented OFWs.
Ang panukalang budget para sa 2021 ay nilaanan ng P7.39 bilyon para sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), attached agency ng DOLE upang pondohan ang tulong para sa mga lumikas na mga OFW sa gitna ng pandemya.
-
Sotto ‘di lalaro sa Gilas sa Jordan at Indonesia
Hindi na makakapaglaro si Kai Zachary Sotto para sa Gilas Pilipinas na sasali sa dalawang torneo sa buwang ito at sa papasok sa magkaibang bansa. Ito ay sa King Abdullah Cup 2021 sa Amman, Jordan sa Huly 26-Agosto 3, at sa 30th International Basketball Federation Asia Cup 2021 Final sa Jakarta, Indonesia sa […]
-
3rd Quarter Monthly allowance ng MPD police, naibigay na
IBINIGAY na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang 3rd quarter allowance sa lahat ng kapulisan na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) ngayong araw. Matapos ang isinagawang flag raising ceremony, mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang nag-abot ng tseke sa ilang kapulisan na naglalaman ng kanilang “monthly allowance” simula buwan ng Hulyo, […]
-
Pekeng FB account pinaiimbestigahan ni Bello
Nagpahayag ng pagkadismaya si Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Linggo sa mga mapanlinlang na tao na ginagamit ang kanyang pangalan sa isang pekeng social media account upang mangalap ng pondo para diumano suportahan ang kanyang community pantry. Humiling na ng tulong ang kalihim sa National Bureau of Investigation (NBI) para kilalanin at […]