3 MENOR DE EDAD NA KABABAIHAN, NAISALBA SA ONLINE SEXUAL EXPLOITATION
- Published on January 14, 2021
- by @peoplesbalita
NAISALBA ng National Bureau of Investigation (NBI)-Anti Human Trafficking (AHTRAD) ang tatlong menor de edad na kababaihan na biktima ng Human trafficking sa Dasmarinas City, Cavite.
Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor na nag-ugat ang kaso mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI) na ipinadala sa Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) kung saan isang Filipina ang nagpadala sa isang American national ng mga hubad na larawan ng kanyang menor de edad na anak at dalawang kaibigan kapalit ng pera sa pagitan ng 2018 at 2019.
Nalaman na dahil sa mga ipinadala, nakatanggap ng nasabing Filipina mula sa American cititzen ng kabuuang USD 2,680.oo sa pagitan ng April hanggang August 2019. Ang nasabing mga porn materials ay ipinadala sa Facebook App.
Ang nasabing Filipina ay nakilala ng NBI-AHTRAD kaya nagsagawa ng surveillance operation sa kanilang lugar kung saan nalaman na isa sa mga biktima ay anak nito at nasa kanyang pangangalaga.
Upang malaman ang dalawa pang kasama ng menor de edad na biktima ay humingi ng tulong ang NBI-AHTRAD sa principal ng dalawang bata kung saan sila ay nag-aaral na naibigay naman ng Principal ng eskuwelahan ang pangalan ng kanilang mga magulang at kanilang address at nitong January 8, 2021, ay nagsagawa ng operasyon ang NBI, Philippine National Police – Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) at Dasmariñas City , Cavite, City Social Welfare and Development Office (CSWD) na nagresulta sa pagkakasalba ng mga menor de edad saka ito in-turn over sa isang shelter sa Rizal. (GENE ADSUARA)
-
Ini-intriga na ‘sumasakay’ sa ratings ng ‘It’s Showtime’: JILLIAN, itinuturing na susunod na reyna ng GMA dahil sa top rating series
KALOKA ang mga nang-iintriga na “sumasakay o sumasabit” lamang ang ratings ng Abot Kamay Na Pangarap sa ratings ng It’s Showtime. Hello! Wala pa ang It’s Showtime sa GMA ay phenomenal na ang popularidad ng Abot Kamay Na Pangarap kaya tila sampung beses na yata itong nae-extend. Dapat na nga yatang palitan […]
-
There is Hope for Better Health: A New Generation of Dengue Prevention for Filipinos
AS THE Philippines grapples with an alarming rise in dengue cases, healthcare professionals (HCPs) are calling for a renewed focus on prevention and the adoption of forward-thinking solutions to address healthcare gaps in dengue management and prevention. Exacerbated by rising global temperatures, dengue fever has become an increasingly critical seasonal challenge in the […]
-
Bulacan, pasok bilang 10th Most Competitive Province
LUNGSOD NG MALOLOS- Isa na namang parangal ang nadagdag sa Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando sa pagkakamit ng lalawigan sa ika-10 pwesto bilang Most Competitive Province na iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) noong Enero 31, 2022. […]