3-million initial vaccines ang ni-rehistro ng Pilipinas vs COVID-19: DOST
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
Tatlong milyong bakuna laban sa COVID-19 ang ni-rehistro ng Pilipinas sa pagsali nito sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).
Sa Malacanang briefing, sinabi ni Science Sec. Fortunato de la Peña na ang naturang bilang ay minimum requirement para sa subscription sa nasabing pasilidad. Katumbas daw nito ang 3-percent ng populasyon.
Ang COVAX Facility ng kompanyang Gavi ay nagbigay ng pangako sa participating countries na makakatanggap ang mga ito ng patas na access sa madidiskubreng gamot.
“Noong ipinaalam sa amin na kailangan mag-commit ng minimum of three percent equivalent of the population, ‘yan po ay inakyat namin sa IATF for decision,” ani Dela Peña.
Nagkakahalaga raw ng US$10 o P500 ang isang bakuna, kaya inaasahang P1.5-bilyong budget ang kailangang ilaan para sa tatlong milyong target population.
Ayon sa kalihim, maaari pa naman bumili ang pamahalaan nang karagdagang bakuna para sa 20-percent ng populasyon.
Kasabay nang approval ng Inter-Agency Task Force, nagbigay din umano ng “go signal” ang Department of Budget and Management sa hakbang.
“Hindi lang sigurado kung ang bakuna ay isang beses lang ibibigay o dalawa. Kasi marami sa mga bakuna sa mga diseases ay kailangang two doses ang ibinibigay.”
Paliwanag ng DOST secretary, posibleng mga nasa laylayan o mahihirap na Pilipino lang ang gastusan ng pamahalaan para sa libreng bakuna.
“Magkakaroon din ng role ang pagbili sa ibang suppliers outside the COVAX facility kung ang maire-reserve lang natin is 20-percent of the population, siyempre yung iba manggagaling sa ibang supplier.”
Dagdag pa ng Cabinet official, mismong si Health Sec. Francisco Duque ang nagsabi na kailangang bakunahan ng estado ang 60-percent ng populasyon para maabot ang “herd immunity.”
“Kami sa DOST na naghe-head sa sub-technical working group on vaccines, ang aming role talaga ay ayusin yung pagco-collaborate sa trials. Yung pag-order ay hindi namin sakop.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Mag-ingat sa holiday text scams
NAGBABALA si Navotas Rep. Toby Tiangco sa publiko na maging mapagbantay sa tumitinding sopistikasyon ng text scams na tumatarget sa mga e-wallet users. Ang paalala na ito ni Tiangco, chairman ng House Committee on Information and Communication Technology, kasunod na rin sa pagtaas ng bilang ng scam messages gamit ang lehitimong e-wallet advisories. […]
-
6 heads of state, makakapulong ni PBBM sa US trip
SINABI ng Malacanang na wala pang eksaktong bilang ng mga heads of state na makakadaupang palad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagtungo sa Estados Unidos. Maliban kasi sa UN General Assembly, inaasahan din ang bilateral meetings ng mga dadalo sa event. Pero sa hiwalay na pahayag ni Philippine Ambassador […]
-
Hundred million percent na sure na: KHALIL, pakakasalan at ‘di na pakakawalan ang long-time gf na si GABBI
INAMIN ni Kapuso actor Khalil Ramos, nang mag-guest sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Monday, na he’s “a hundred million percent” sure nang ang pakakasalan niya ay ang long-time girlfriend niyang si Kapuso actress Gabbi Garcia, when the time comes. “Realistically kasi when we started our relationship we really intended our relationship […]