• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3-million initial vaccines ang ni-rehistro ng Pilipinas vs COVID-19: DOST

Tatlong milyong bakuna laban sa COVID-19 ang ni-rehistro ng Pilipinas sa pagsali nito sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).

 

Sa Malacanang briefing, sinabi ni Science Sec. Fortunato de la Peña na ang naturang bilang ay minimum requirement para sa subscription sa nasabing pasilidad. Katumbas daw nito ang 3-percent ng populasyon.

 

Ang COVAX Facility ng kompanyang Gavi ay nagbigay ng pangako sa participating countries na makakatanggap ang mga ito ng patas na access sa madidiskubreng gamot.

 

“Noong ipinaalam sa amin na kailangan mag-commit ng minimum of three percent equivalent of the population, ‘yan po ay inakyat namin sa IATF for decision,” ani Dela Peña.

 

Nagkakahalaga raw ng US$10 o P500 ang isang bakuna, kaya inaasahang P1.5-bilyong budget ang kailangang ilaan para sa tatlong milyong target population.

 

Ayon sa kalihim, maaari pa naman bumili ang pamahalaan nang karagdagang bakuna para sa 20-percent ng populasyon.

 

Kasabay nang approval ng Inter-Agency Task Force, nagbigay din umano ng “go signal” ang Department of Budget and Management sa hakbang.

 

“Hindi lang sigurado kung ang bakuna ay isang beses lang ibibigay o dalawa. Kasi marami sa mga bakuna sa mga diseases ay kailangang two doses ang ibinibigay.”

 

Paliwanag ng DOST secretary, posibleng mga nasa laylayan o mahihirap na Pilipino lang ang gastusan ng pamahalaan para sa libreng bakuna.

 

“Magkakaroon din ng role ang pagbili sa ibang suppliers outside the COVAX facility kung ang maire-reserve lang natin is 20-percent of the population, siyempre yung iba manggagaling sa ibang supplier.”

 

Dagdag pa ng Cabinet official, mismong si Health Sec. Francisco Duque ang nagsabi na kailangang bakunahan ng estado ang 60-percent ng populasyon para maabot ang “herd immunity.”

 

“Kami sa DOST na naghe-head sa sub-technical working group on vaccines, ang aming role talaga ay ayusin yung pagco-collaborate sa trials. Yung pag-order ay hindi namin sakop.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • NAVOTAS MAGHIHIGPIT SA MGA PAPASOK NA BIYAHERO

    PARA panatilihin ang kaligtasan ng mga konstituwents mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagpatupad ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng paghihigpit sa mga papasok na biyahero na magmumula sa labas ng NCR Plus.     Ang paghihigpit ay applies sa essential at non-essential travels ng mga indibiduwal na magmula sa mga lugar sa labas ng […]

  • P70-B inilaan para sa pagbili ng COVID-19 vaccines

    Inaprubahan na ng House at Senate contingent sa bicameral conference committee ang reconciled version ng P4.5-trillion proposed 2021 national budget.   Target ng dalawang kapulungan ng Kongreso na ratipikahan sa plenaryo mamayang hapon ang bicam report sa panukalang pondo para sa susunod na taon.   Pinangunahan nina House Committee on Appropriations Committee chairman Eric Yap […]

  • Ads June 10, 2021