• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 minors, 4 pa arestado sa droga sa Caloocan

Arestado ang pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong menor-de-edad na narescue ng mga awtoridad sa Caloocan city.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 10:50 ng gabi, nagsasagawa ang mga tauhan ng East Grace Park Police Sub-station 2 ng Oplan Galugad sa Raja Soliman St. Brgy. 37 nang isang concerned citizen ang nagreport sa kanila hinggil sa nagaganap na transaksyon ng illegal na droga sa lugar.

 

 

Nang respondehan, nakita ng mga pulis ang magkadikit na si Albert Baluyot Lim Jr, 43, tricycle driver at Denver Enriques Alano, 18, na nagtatransaksyon umano ng ilegal na droga subalit, nang mapansin ng dalawa ang mga parak ay mabilis silang nagpulasan.

 

 

Hinabol sila ng mga pulis at nang makorner ay nakuhanan ang mga suspek ng tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P1,360 ang halaga bawat isa.

 

 

Nakuhanan naman ng dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at drug paraphernalias si Jade Pendon, 18, ALS student, at ang 17-anyos na binatilyo makaraang takbuhan ng mga ito ang mga tauhan ng NPD-DMFB na nagsasagawa ng Oplan Sita sa EDSA-Bagong Barrio, Quarantine Control Point (QCP), Caloocan city habang sakay ng isang motorsiklo dakong 12:45 ng madaling araw.

 

 

Nauna rito, alas-10:21 ng gabi nang arestuhin ng pinagsamang mga tauhan ng Sub-Station 5, NPD-DMFB at RDEU-NCRPO na nagsasagawa ng checkpoint sa kahabaan ng EDSA corner F. Aguilar St. Brgy. 139 si Rodel Sebastian, 20, habang sakay ng minamanehong tricycle kasama ang dalawang binatilyong estudyante na kapwa 14-anyos ang edad makaraang tangkain tumakas ng mga ito nang hanapan ng lisensya at quarantine pass.

 

 

Nang kapkapan, narekober sa kanila ang dalawang medium plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na tinatayang nasa P3,770 ang halaga at isang improvised glass tube pipe. (Richard Mesa)

Other News
  • Agarang pagbabakuna sa lahat ng pulis sa QC iniutos ng mayor

    Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang agarang pagbabakuna sa 536 police personnel ng Quezon City Police District (QCPD) matapos magpositibo sa COVID-19 virus ang nasa 82 personnel ng Station 3 at kasalukuyang admitted sa HOPE facilities ng siyudad.     Napag-alaman na 54 sa 82 na mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 ay […]

  • Don’t miss Joaquin Phoenix and Lady Gaga in “Joker: Folie à Deux”, discover the madness in this musical-infused sequel

    THE wait is finally over! The most anticipated chaotic duo is about to return to the big screen, bringing mayhem and madness along with them.   Tickets for “Joker: Folie à Deux” are now available, and you don’t want to miss this haunting sequel starring Oscar-winner Joaquin Phoenix and global music icon Lady Gaga. The […]

  • 75 NA IMMIGRATION OFFICERS, NAGSIPAGTAPOS

    MAY kabuuang 75 na panibagong batch ng mga Immigration Officers ang nagtapos sa ilalim ng Bureau of Immigrations (BI) Philippine Immigration Academy (PIA).     Ang mga nagtapos na mga BI Immigration ay pormal na kikilalanin sa isang graduation ceremony sa  Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.     Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco  […]