• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 most wanted persons, nabitag sa Valenzuela

PINURI ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Distura Jr sa matagumpay na manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong most wanted persons sa loob lamang ng isang araw.

 

 

Ani Col. Destura, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista ng manhunt opertation sa Independence St., Brgy. Gen. T. De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Dionel Alinco alyas “Ogoy”, 57 ng Brgy. Gen T De Leon dakong alas-10:24 ng umaga.

 

 

Si Alinco ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mateo B Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City, para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610.

 

 

          Nauna rito, dakong alas-9:02 ng umaga nang damputin naman ng kabilang team ng WSS sa manhunt operation sa B. Lazaro St., Manotoc Subdivision, Barangay Marulas si Jonas Justiniani, 23 ng Brgy. Marulas sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Emma C. Matammu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 269, Valenzuela City para sa kasong Qualified Theft.

 

 

Bandang alas-12:18 naman ng hapon nang maaresto din ng isa pang team ng WSS, kasama ang mga tauhan ng 5th MFC, RMFB, NCRPO at Northern NCR Maritime Police Station, RMU-NCR sa joint manhunt operation sa G. Pasco St., Barangay Coloong si Jonathan Rodriguez alyas “Tantan”, 27 ng Brgy. Maysan.

 

 

Ayon kay PLt Bautista, si Rodriguez ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mateo B Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City para sa kasong Rape. (Richard Mesa)

Other News
  • Bulacan, ipinagdiwang ang LGBT Pride

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bitbit ay matitingkad na kulay at pagkakaroon ng malaking bahagi sa buong linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival 2022, ipinagdiwang ng LGBT Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ang LGBT Pride sa isinagawang SIBOL: The 2022 LGBT Bulacan Summit na may temang “Synergy of Inclusive Growth in […]

  • Ads August 9, 2023

  • National team para sa Vietnam SEA Games pinayagan na ng IATF mag-bubble training

    Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang bubble training ng mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Inilabas ng Joint Administrative Order (JAO) No. 2020-0001 on Sports ang supplemental guidelines para sa pag-eensayo ng mga national athletes na lalahok sa […]