• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 most wanted persons, nadakma sa Caloocan at Valenzuela

TATLONG katao na pawang wanted sa kaso ng panggagahasa ang nadakip ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-2:25 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera si Jommel Cawasa, 41, franchise manager at residente ng Blk 6, Lot 15, Valenzuela Heights, Bignay, Valenzuela City sa Samson Road, Brgy., 80, Caloocan City.

 

 

Ani Maj. Rivera, si Cawasa ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Primo Elvin Lobina Siosana ng Regional Trial Court (RTC) Branch 128, Caloocan City noong August 29, 2023, para sa kasong Rape.

 

 

Alas-7:08 ng gabi nang madakip naman ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa pangunguna ni P/Lt. Armando Pandeagua Jr, sa manhunt operation sa Blk 8, Brgy. 35, si Jose Allan Mogol, 28, ng Blk 6, Area 2, Sawata Maypajo.

 

 

Ayon kay DSOU chief P/Lt. Col. Robert Sales, si Mogol ay inaresto ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Teresa De Guzman Alvarez ng RTC Branch 131, Caloocan City noong July 10, 2023, para sa kasong Rape.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga operatiba ng WSS ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Lt Ronald Bautista sa ikinasang manhunt operation sa kahabaan ng Camela Vera, harap ng Happy Go Mall sa Brgy. Bignay dakong alas-3:15 ng hapon si Joseph Montillano, 51, ng A. Marcelo Street,

 

 

Sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, si Montillano ay pinosasan ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng RTC Branch 172, Valenzuela City noong September 7, 2023, para sa kasong Statutory Rape.

 

 

Pinapurihan naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang DSOU, Caloocan at Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong MWP. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Di pagpunta ni Yen sa premiere night ginawan ng isyu: PAOLO, ‘di na kailangang ipangalandakan ang personal nilang buhay

    NAG-LAST shooting day na pala ang BarDa love team nina Barbie Forteza at David Licauco ng kanilang first movie-team-up, ang “That Kind of Love.”      Sinurpresa sila ng kanilang mga official fan groups, na nag-set ng isang car na ang trunk ay pinuno nila ng purple and silver balloons, streamers ant printed photos ng mga […]

  • Binanggit ang mga katangian at pagiging ‘miracle worker’… DINGDONG, nagdeklara na isang nanay ang kanyang iboboto sa Mayo 9

    SA isang madamdaming pahayag para sa mga ina bago ang Mother’s Day sa Linggo, nagdeklara ang aktor na si Dingdong Dantes na ang isang nanay ang kanyang iboboto sa darating na halalan sa Mayo 9.     “Sa inyo po ang aking buong pagpupugay …ang aking paghanga, ang aking serbisyo, ang aking boto,” wika ni […]

  • Online classes sa Valenzuela kanselado ‘pag may bagyo

    KANSELADO ang online classes sa Valenzuela City kapag bumabagyo batay sa Panuntunan sa Suspensyon ng Klase sa Panahon ng Distance Learning ng Pamahalaang Lungsod.   Kapag Signal No. 1 ay suspendido ang klase sa pre- school at kindergarten sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Magpapatuloy pa rin ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga […]