3 natagpuang patay sa ginagawang bahay
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
NATAGPUANG wala ng buhay sanhi ng mga saksak sa katawan ang tatlong katao, kabilang ang dalawang nursing graduate at isang estudyante sa isang ginagawang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Arjay Belencio y Sarmiento, 22, estudyante; Glydyl Belonio y Mamon, 23, nursing graduate; at Mona Ismael habibolla, 22, nursing graduate, pawang natagpuang tadtad ng saksak sa kanilang katawan sa tinitirhan sa Catmon St., Phase 1, Brgy. 179, Amparo Subd., Caloocan City dakong 12:30 ng hapon.
Patuloy naman ang isinasagawang follow-up imbestigasyon ng Caloocan city police para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto ng salarin sa insidente.
Ayon sa pulisya, isang kaanak ng mga biktima ang nag-utos kina Jhonny Aliansas, 30, may- asawa, panadero, ng Vanguard, Brgy. 178, Camarin, at John Roy Sarmiento, 20, binata, estudyante, ng parehong adres na puntahan ang nasabing ginagawang bahay dahil paulit- ulit nang tinatawagan sa kanilang cellphone ang mga biktima ngunit hindi sila sumasagot.
Pagdating nila Aliansas at Sarmiento sa naturang bahay ay nakakandado ang gate kaya’t binato nila ang bahay ngunit wala pa ring lumalabas o sumasagot.
Dito ay nagpasya ang dalawa na akyatin na ang bakod at at pagpasok nila ng bahay ay bumulaga sa kanila ang mga bangkay ng tatlong biktima kaya’t tumawag sila sa awtoridad at naunang rumesponde ang mga tanod na sina Geronimo Cano at Reynaldo Vecino kasama sina Patrolman Jimmy Vargas at Patrolman Gellord Catabang ng Caloocan Police Sub Station 15.
Ipinapalagay na isa lamang ang salarin ngunit dalawa ang ginamit na sa pagpatay, isang kitchen knife at isang icepick at posibleng kilala ng mga biktima ang salarin dahil walang palatandaang pinwersang pasukin ang bahay. (Richard Mesa)
-
Mga ahensiya ng pamahalaan, handang tulungan ang mga magsasaka sa ilalim ng ‘Masagana’ program
MAY apat na ahensiya ng pamahalaan ang sanib-puwersa ngayon para tulungan ang mga magsasaka sa ilalim ng Masagana Rice Industry Development Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) acting administrator Eduardo Guillen na ang programa ay isang c”onvergence effort” ng Department of Public […]
-
Paghina ng piso vs dolyar malaking epekto sa presyuhan ng oil products – DOE
MULING binigyang diin ng Department of Energy (DOE) na nakatali ang kamay ng gobyerno at walang magawa sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kada linggo. Ginawa ni Atty Rino Abad, director ng Department of Energy-Oil Management Bureau, ang paliwanag sa Bombo Radyo dahil sa nakaamba na namang pagtaas sa […]
-
Dimaculungan tawid sa PLDT
PINALAKAS ni multi-titled volleybelle Rhea Katrina Dimaculangan ang PLDT Home Fibr sa pagtawid dito makaraan ang ilang taong paglalaro sa Generika Ayala Lifesavers at Petron Blaze Spikers sa Philippine SuperLiga (PSL). Isiniwalat kamakalawa ng Power Hitter ang bagong puwersa na magpapasiklab sa koponan na gagabayan pa rin ni coach Rogelio ‘Roger’ Gorayeb kasunod […]