• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, gustong imbestigahan ang quarrying operations sa Guinobatan, Albay

GUSTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na imbestigahan ang di umano’y quarrying operations sa Guinobatan, Albay na ginagawa habang nananalasa ang bagyong Rolly.

 

“Papa-imbestigahan ng Pangulo ang quarrying sa Guinobatan. Nagreklamo ang mga residente,” ayon kay Senador Bong Go.

 

Iyon nga lamang, nananatili aniyang hindi malinaw kung ano ang tunay na reklamo ng mga residente kaugnay sa di umano’y quarrying activities.

 

Nauna rito, binisita ni Pangulong Duterte ang Guinobatan at nakipagkita sa mga residente nang magsagawa ng aerial inspection ng nasabing bayan isang araw matapos bayuhin ng Super Typhoon Rolly.

 

Maliban sa Guinobatan, nagsagawa rin ng aerial inspection si Pangulong Duterte sa Catanduanes, unang lalawigan na tinamaan ng bagyong Rolly.

 

Matapos ang inspection at pakikipagpulong sa mga residente, makikipagkita naman ang Chief Executive sa mga concerned officials para sa situation briefing para pag-usapan ang gagawing pagtugon ng pamahalaan sa mga apektado ng kalamidad. (Daris Jose)

Other News
  • LALAKI NA PINANGBILI ANG P1K NA AYUDA NG DROGA SA KYUSI ARESTADO

    ARESTADO ng Quezon City Police District ang isang 40-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng shabu na binili gamit ang natanggap na P1,000 na ayuda mula sa gobyerno.     Sa ulat, na ipinadala kay QCPD Director P/B.Gen Danilo Macerin ni P/Lt.Col Melchor Rosales, alas-3 ng madaling araw nang sitahin ang suspek na si Joven Llera, residente […]

  • 3 timbog sa drug buy bust sa Valenzuela

    REHAS na bakal ang kinabagsakan ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Adan Antoni, 38, construction worker, Judy Estuaria, […]

  • LTO, nangangailangan ng P6.8 bilyong piso para maresolba ang problema sa backlog ng plaka

    TINATAYANG aabot sa P6.8 bilyong piso ang kailangang pondo ng Land Transportation Office (LTO) para matugunan ang usapin sa isyu ng kakulangan sa plaka.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTO OIC Atty Romeo Vera Cruz na malaki ang kanilang backlog lalo na sa motorsiklo.     Sinabi pa ni Vera Cruz, […]