• September 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 natagpuang patay sa ginagawang bahay

NATAGPUANG wala ng buhay sanhi ng mga saksak sa katawan ang tatlong katao, kabilang ang dalawang nursing graduate at isang estudyante sa isang ginagawang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

Kinilala ang mga biktima na sina Arjay Belencio y Sarmiento, 22, estudyante; Glydyl Belonio y Mamon, 23, nursing graduate; at Mona Ismael habibolla, 22, nursing graduate, pawang natagpuang tadtad ng saksak sa kanilang katawan sa tinitirhan sa Catmon St., Phase 1, Brgy. 179, Amparo Subd., Caloocan City dakong 12:30 ng hapon.

 

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up imbestigasyon ng Caloocan city police para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto ng salarin sa insidente.

 

Ayon sa pulisya, isang kaanak ng mga biktima ang nag-utos kina Jhonny Aliansas, 30, may- asawa, panadero, ng Vanguard, Brgy. 178, Camarin, at John Roy Sarmiento, 20, binata, estudyante, ng parehong adres na puntahan ang nasabing ginagawang bahay dahil paulit- ulit nang tinatawagan sa kanilang cellphone ang mga biktima ngunit hindi sila sumasagot.

 

Pagdating nila Aliansas at Sarmiento sa naturang bahay ay nakakandado ang gate kaya’t binato nila ang bahay ngunit wala pa ring lumalabas o sumasagot.

 

Dito ay nagpasya ang dalawa na akyatin na ang bakod at at pagpasok nila ng bahay ay bumulaga sa kanila ang mga bangkay ng tatlong biktima kaya’t tumawag sila sa awtoridad at naunang rumesponde ang mga tanod na sina Geronimo Cano at Reynaldo Vecino kasama sina Patrolman Jimmy Vargas at Patrolman Gellord Catabang ng Caloocan Police Sub Station 15.

 

Ipinapalagay na isa lamang ang salarin ngunit dalawa ang ginamit na sa pagpatay, isang kitchen knife at isang icepick at posibleng kilala ng mga biktima ang salarin dahil walang palatandaang pinwersang pasukin ang bahay. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagpapaliban ng Brgy., SK polls lusot sa 2nd reading ng Senado

    LUSOT na sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill 1306 na nagpapaliban ng isang taon sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.     Dalawa lamang sa mga senador ang bumoto ng No sa panukala na sina Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros.     Matapos ang ‘period of interpellation’ ay hindi na sumalang sa committee […]

  • LeBron James, ikakampanya sina Biden sa pagkapangulo ng US

    Inanunsiyo ni NBA star LeBron James na ikakampanya niya sa pagkapangulo ng US si Joe Biden at Kamala Harris.   Sinabi nito na napapanahon na para magkaroon ng pagbabago at para simulan ito ay dapat baguhin ang namumuno sa bansa. Dagdag pa nito na hindi naman niya itinatago na hindi ito sang-ayon sa ipinapatupad na […]

  • Ads May 19, 2021