3 notorious hackers arestado sa iligal na pag-access sa sistema ng Smartmatic
- Published on April 28, 2022
- by @peoplesbalita
INARESTO ang tatlong hackers mula sa Cavite at Laguna na kaya umanong nilang pasukin ang sistema ng Commission on Election (Comelec) at manipulahin ang resulta ng eleksiyon.
Sa inilabas na report ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), ang entrapment operation sa naturang mga suspek ay nangyari noong Abril 23 sa pakikipagtulungan ng CICC at Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) agents na nagpanggap bilang kliyente para makabili ng stolen data.
Nagresulta ito sa pagkakadakip ng mga suspeka na sina Joel Adajar Ilagan a.k.a Borger, Adrian de Jesus Martinez a.k.a. AdminX, at Jeffrey Cruz Ipiado a.k.a. Grape/ Vanguard/ Universal/ LLR.
Batay sa claim ng mga hacker, kaya din umano nilang palitan ang magiging resulta ng eleksiyon sa pamamagitan ng pag-access sa sistema ng Smartmatic, ang automated poll system provider ng bansa.
Nabatid din na base sa initial findings na ang grupong ito ang siya ring responsable raw sa nangyaring hacking incidents at target ang Comelec at Smartmatic system, hacking sa Napocor website at hacking sa credit cards at iba pang online transactions gayundin ang ransomware sa ilang local commercial websites.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012. (Daris Jose)
-
Unang COVID-19 Lambda variant case sa ‘Pinas buntis, Western Visayas ‘local infection’ — DOH
Nagdadalang-tao ang unang kaso ng “Lambda variant” ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, bagay na maaaaring sa loob na raw ng bansa naipasa sabi ng Department of Health (DOH). Linggo lang nang kumpirmahin ng DOH na isang 35-anyos na babae ang nadali ng Lambda variant, na unang namataan sa Peru. Sinasabing wala siyang sintomas […]
-
Apektado habang pinapanood ang ‘Artikulo 247’: KRIS, pinanggigilan ng viewers at awang-awa na kay RHIAN
THANKFUL sina Kapuso Royal Couple Dingdong Dantes and Marian Rivera, sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanila. Nagpasalamat din sila sa mga netizens na sumubaybay sa kanilang first sitcom together, ang Jose and Maria’s Bonggang Villa na nagtala ng mataas na rating sa premiere showing nito last Saturday, May 14, 7:15PM sa […]
-
DOBLE-INGAT VS SUNOG
“MATUTO ka, Sunog Iwasan Na.” Ito ang tema ngayong taon ng Fire Prevention Month. Pumasok na ang buwan ng Marso kung kailan mas maraming naiuulat na insidente ng sunog. Kasabay ng pagsisimula ng tag-init ay panahon na mas maraming appliances ang ginagamit hanggang sa ang iba ay nakaliligtaang nakabukas. At tuwing may insidenteng ganito, […]