• June 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOBLE-INGAT VS SUNOG

“MATUTO ka, Sunog Iwasan Na.” Ito ang tema ngayong taon ng Fire Prevention Month.

 

Pumasok na ang buwan ng Marso kung kailan mas maraming naiuulat na insidente ng sunog. Kasabay ng pagsisimula ng tag-init ay panahon na mas maraming appliances ang ginagamit hanggang sa ang iba ay nakaliligtaang nakabukas.
At tuwing may insidenteng ganito, palagi normal nang naririnig na, “Okay lang ‘yan. Ang mahalaga ay buhay tayo. ‘Yung gamit napapalitan.”

 

Tama nga naman. Pero, hindi ba mas okay sana kung naiiwasan nating magkasunog? At bakit kahit paulit-ulit na itong nagaganap, hindi pa rin natututo ang karamihan sa atin?

 

Simulan natin sa bahay, maging responsable sa paggamit ng appliances. Regular na i-tsek ang mga kable ng kuryente at ipaliwanag sa mga bata ang panganib ng paglalaro ng mga bagay na puwedeng pagmulan ng apoy.

 

Kadalasan sa mga bahay ng informal settlers o ‘iskwater’ ay sala-salabat ang mga wire, may ilang makakapal pa rin ang mukha na iligal ang koneksiyon ng kuryente, may mga magulang na hinahayaan ang mga bata na maglaro ng kung anu-ano, at ang matindi, may insidente pa rin na ikinakandado ang mga paslit sa loob ng bahay, na walang kalaban-laban sa tuwing nagkakasunog.

 

Maraming pagkakataon na masasabing aksidente o hindi natin kontrolado, pero sa mga bagay na puwede naman sanang maiwasan ay gawin na natin, alang-alang sa buhay at kapakanan ng lahat.

 

Malaking bagay na may social media, mas mabilis na makararating ang anumang impormasyon o mga babala.
Muli, sa mga nakaranas nang masunugan, sana, natuto na tayo at sa mga hindi pa, dagdagan pa ang pag-iingat para palaging makaiwas.

Other News
  • Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19

    Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.     Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant.     Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito […]

  • Spoelstra gagawing consultant ng Gilas

    TARGET ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makuha ang serbisyo ni NBA champion coach Erik Spoelstra ng Miami Heat upang ma­ging consultant ng Gilas Pilipinas.     Paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang pagsabak nito sa FIBA World Cup sa susunod na taon na magkakatuwang na iho-host ng Pilipinas, Japan at Indonesia.     Kaya […]

  • 5 timbog sa halos P1 milyon shabu

    LIMANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong babae ang arestado matapos makuhanan ng halos P1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Malabon cities, kahapon ng madaling araw.   Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz, dakong 2 ng madaling araw nang madamba ng mga operatiba ng […]