• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 OSPITAL, MAUUNA PARA SA COVID- 19 VACCINE

TATLONG  ospital sa National Capital Region (NCR) ang  tinukoy ng Department of Health (DOH) na unang mabebenipisyuhan ng Covid-19 vaccine sa sandaling dumating na sa bansa ang mga bakuna.

 

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na tatlong referral hospital  kabilang ang UP-Philippine General Hospital,  Lung  center of the Philippines at Dr. Jose Memorial Rodriquez Hospital ang unang mabibigyan ng bakuna kontra Covid-19.

 

Nilinaw ng kalihim na uunahin ang buong ospital hindi lamang ang health care worker kundi ang maging ang admin staff .

 

Nais ng kalihim na ma-preserve ang institutional safety sa halip na indibidwal .

 

Ayon pa sa Kalihim, kailangan mabigyan ang buong institusyon ng bakuna dahil kung hindi mababakunahan lahat ay hindi makakapagtrabaho ang mga medical workers .

 

Kaugnay nito, tintiignan din ng kalihim ang Davao at Cebu City  dahil  mataas din ang kaso ng  sakit . (GENE ADSUARA)

Other News
  • BASBAS IBINIGAY SA BBM-SARA UNITEAM NG EL SHADDAI

    PORMAL nang inendorso ng pinamalaking Catholic charismatic group sa bansa na El Shaddai, na may mahigit anim na milyong miyembro sa buong mundo, ang kandidatura ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running -mate na si vice-presidential bet Inday Sara Duterte para sa darating na halalan.     Naganap ang pagtataas ng kamay […]

  • PCSO chief Robles, pinagbibitiw

    HINIKAYAT ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Mel Robles na magbitiw dahil sa kabiguan umano nitong protektahan ang kabataan, lalo na ang mga bata mula sa e-lotto o online lotto project ng ahensiya.     “It is accessible to anyone, even to young children whose […]

  • DepEd Calabarzon, sinuspinde ang klase sa lahat ng antas mula Jan. 17-29

    INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na ang mga opisyal ng regional offices (RO) at school division office (SDO) ng kanilang ahensiya ay maaa­ring magsuspinde ng klase ngayong panahong patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.     Sa memorandum ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang […]