Pia Wurtzbach, ‘not engaged & not pregnant’
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
Tinapos na ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang mga ispekulasyon hinggil sa umano’y ikakasal na sa bagong foreigner boyfriend.
Ayon sa 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro, marami ang nagbigay-kulay sa nakaraang “5 weeks countdown” ng Venezuelan businessman boyfriend niyang si Jeremy Jauncey.
Gayunman, patungkol aniya ito sa kanilang unang Pasko bilang magkasintahan na magkasama at hindi ‘yaong buntis na raw.
“He is very matter of fact, it actually meant till Christmas!” natatawang sambit nito sa khaleejtimes.
Dagdag nito, “I’m not engaged or anything like that. I’m not pregnant! It’s literally us spending Christmas together. It will be the first time I will be spending Christmas with him and I’m excited to experience that.”
Buwan ng Oktubre nang maging palaisipan sa fans ng magkasintahan ang pahiwatig ni Jauncey na mayroon silang malaking rebelasyon ano mang oras o araw.
Sa iba’t ibang social media, nariyan ang hula na engaged na ang dalawa, o ‘di kaya ay buntis daw ang pangatlong Pinay Miss Universe, habang may mga nagsabi na baka bagong proyekto lamang ng magkasintahan.
Una rito, makabuluhan ang pahayag ni Jeremy Jauncey na maraming dapat ipagpasalamat kabilang ang kalusugan, career, at pamilya, bagay na sinang-ayunan ni Wurtzbach.
“Yes my love 😊 exciting times ahead ❤️” sagot ng pangatlong Pinay Miss Universe.
Ang 34-years-old na si Jauncey ay lumaki sa Scotland at Chief Executive Officer ng isang multi-platform travel content brand.
-
BIANCA, mas ganadong gumiling-giling sa TikTok videos dahil kanyang 1.2M followers
KAYA ganadong gumiling-giling sa TikTok videos niya ang Legal Wives star na si Bianca Umali dahil umabot na sa 1.2 million ang followers niya sa naturang video-sharing app. Noong 2015 pa may account si Bianca sa TikTok pero na-hack daw ito. Noong mabalik ang account niya, hindi raw niya ito masyadong binigyan din […]
-
Palm Sunday message ni Pope: ‘Let go of our regrets’
Sa ikalawang sunod na taon sa kabila ng coronavirus pandemic, pinangunahan pa rin ni Pope Francis doon sa Vatican ang Palm Sunday mass na siyang hudyat ng pagsisimula ng Holy Week. Idinaos ang nasabing misa sa loob ng Saint Peter’s Basilica kung saan limitado ang mga congregation na nakiisa, habang milyon pa rin […]
-
Pacquiao hinamon si Marcos ng presidential debate
HINAMON ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao ang karibal na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang one-on-one na debate — ito matapos umiwas ng huli sa sari-saring presidential forums at debates para sa eleksyon. Ilang presidential forums at debates na kasi ang iniwasan ni Marcos gaya na lang ng sa […]