• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 pang karagdagan Academic Centers, itatayo sa Valenzuela

PINANGUNAHAN ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian ang isinagawang groundbreaking at capsule-laying ceremonies para sa tatlong karagdarang Valenzuela City Academic Center for Excellence (ValACE) na itatayo sa Brgy., Gen. T. de Leon, Marulas at Mapulang Lupa para sa pangarap na nito gawing “Reading City” ng lungsod.

 

 

Ang tatlong itatayong mga proyektong ito ay naglalayong magbigay ng mas malapit at madaling mapuntahan ng mga mag-aaral na mga Valenzuelano.

 

 

Ang mga gusaling pang-akademiko na ito ay maglalaman ng isang mini library, study Hall na may mga self-study cubicle, communal review lounge, computer laboratory, 50-seating capacity training room, 80-100 pax capacity multi -purpose hall, cafeteria, administrative office, at parking area.

 

 

Ang proyektong ito ng pagpapalawak ng mga gusali ng ValACE sa buong Valenzuela ay isang tugon sa lumalaking pangangailangan ng lungsod para sa mas maraming pampublikong pasilidad sa pag-aaral.

 

 

Sa kanyang mensahe, iginiit ni Mayor WES ang kahalagahan ng mga proyektong ito para sa mga mag-aaral ng Valenzuelano.

 

 

“Ang pangarap po natin dito sa Valenzuela ay ang maging ‘Reading City’; kung saan [makapagbubuo] tayo ng mga ‘literate communities’ [sa] bawat barangay; at kung saan maibababa po natin ang culture of studying and reading again.” pahayag niya.

 

 

Para sa lungsod, ang library ay itinayo upang itaguyod ang panghabambuhay na pag-aaral at literacy para sa lahat at bumuo ng isang rebolusyonaryong espasyo sa pag-aaral na naa-access, maaasahan, at inklusibo na may sukdulang layunin na tulungan ang mga mag-aaral na maabot ang kanilang mga pangarap.

 

 

Sa amicable service nito sa mga mag-aaral, kinilala ang city library para sa Gawad Pampublikong Aklatan (Most Inclusive and Innovative Programs) na iginawad ng National Library of the Philippines.

 

 

Samantala, habang ginagawa ang naturang tatlong gusali ay bukas naman sa publiko ang ValACE sa Barangay Malinta at libre itong magbibigay ng mga programa at serbisyong pang-edukasyon sa mga Valenzuelano. (Richard Mesa)

Other News
  • Ardina, Guce babalik-palo sa 16th SymetraTour 2021

    KAPWA balik-kayod sa 16th Symetra Tour 2021 sina Dottie Ardina at Clarissmon Guce sa paghampas sa 16th Symetra Tour 2021 fourth leg $200K 1st Copper Rock Championship sa Copper Rock Golf Course sa Hurricane, Utah sa Abril 23-25.     Galing lang ang edad 27, 5-2 ang taas, isinilang sa Canlubang, Laguna at pitong taong […]

  • UAAP, NCAA salpukan sa Marso 26

    MAGBABANGGAAN ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) na sabay na magsisimula sa Marso 26 sa magkahiwalay na venue.     Kumpirmado na ang pagbubukas ng NCAA Season 97 sa naturang petsa habang nauna nang nagpahayag ang UAAP  na sisimulan ang Season 84 ng liga sa parehong petsa. […]

  • Pagbabakuna, hindi magagamit sa pulitika lalo’t sa sandaling magsimula na ang pangangampanya-Dizon

    HINDI masasamantala ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya ang vaccination drive ng pamahalaan.   Sinabi ni Presidential Adviser for COVID-19 response Secretary Vince Dizon na hindi sila papayag na mapasukan ng pamumulitika ng sinumang kumakandidato ang vaccination efforts ng pamahalaan.   Neutral ang gobyerno at diretso sa taumbayan ang pakinabang ng pagbabakuna at hindi sa […]